Chapter 32
"Krys!"
"Krys ano ba bumangon ka na riyan at tanghali na sabi!"
Nagising ako sa paulit-ulit na pagalog sa aking balikat. Patuloy sa pagyugyog na daig pa ang lindol.
"Ano ba kasi 'yon?" I grunted as I tried to gather my senses.
"Aba tanghali na ineng ano ba ang balak mo? Magbabantay ka pa sa bakery at ang akala ko ba ay aalis ka? Ano pa ang ginagawa mo diyan?" sunod-sunod na ratsada ni lola.
Naitampal ko ang palad sa aking noo. Panaginip lang pala lahat ng 'yon? Seriously?!
"Tumayo ka na diyan. Wag mo na hayaang balikan pa kita diyan sa higaan mo," muling bulyaw ni lola bago ito umalis.
Tumayo na ako at nag-ayos. Patuloy pa rin ako sa pag-iling dahil sa dismayang nararamdaman. It was very dreamy, kasi panaginip lang pala talaga ang lahat.
At that moment, It felt surreal. It feels magical being with him in that dream. How I wish it was true, just like any other books that I read.
Suot ang oversized shirt na pantulog at ang sobrang komportable kong pajama ay dumiretso ako sa lababo para mag toothbrush. Kahit habang ginagawa ito ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang panaginip ko.
Gusto ko na lamang bumalik sa higaan at matulog. Baka sakaling may continuation pa ang magandang panaginip na iyon.
"Order 447 please claim it in the counter please. Order 447 please."
Pagkatapos ko magbantay sa bakery ay dumiretso na kami ni Briella sa bayan para bumili ng ibang mga kailangan namin sa school.
"Ako na kukuha, mukhang sabog ka pa." Tumayo si Briella at siya na ang kumuha ng order namin.
Pagbalik niya ay inilapag niya ang order namin. I ordered the usual, spicy fried chicken with fries. While Briella chose to order chicken fillet, also with fries. Upgraded din ang drinks to Mcfloat instead of just having the regular coke.
"Grabe ha! Napagod ako doon," medyo nahahapong saad ni Briella.
"Ako din tol. Ibang klase talaga." Napailing na lang ako at uminom muna.
We chose to go here instead of Jollibee since mas malapit naman ito sa pinaggalingan namin. But then, we saw two people going inside Mcdo. Mga taong hangga't maaari ay iniiwasan namin. Hindi kami handang harapin sila, dahil masakit pa rin ang ginawa nila sa kaibigan namin. So we chose to go in Jollibee nalang. But in our surprise, nakita namin silang kumakain na doon. Balak sana namin na sa House of Chicken nalang or KFC para sure na malayo na kaso pinili nalang namin na bumalik sa Mcdo sa gutom at pagod.
"Sino ba naman kasi magaakala na makikita natin sila ngayon? Tsaka ang awkward kung makakasama natin sila! Isipin mo 'yon," tila ba hindi makapaniwalang saad ni Briella.
"At tingnan mo sila, ang saya-saya nila. Kahit kaunting guilt wala kang makita sa mukha nila. Ganoon nalang ba 'yon? Nakakainis," dagdag na saad niya pa.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi ko habang nakikinig sa kaniya. Hindi niya maiwasan ang bugso ng damdamin sa tuwing iyong ang pag-uusapan. Sobra talaga siyang naapektuhan. Maging ako, dahil kaibigan namin ang inagrabyado nila.
"May mga tao ata talagang ganoon tol. Ang iniisip lang nila ay yung sarili nila, yung ikasasaya nila. Pero magiging masaya naman sila na hindi nila ginawa 'yon sa kaibigan natin. Hindi ko talaga maintindihan bakit umabot sa puntong ganoon." Nangilid ang luha ko dahil sa pagkaalala ko ng sakit na naranasan ni Curlyn.
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart [COMPLETED]
Teen FictionKrysten Lagdameo is a typical senior high school student. She loves wattpad so much and a kpop fan as well. She treats the online world as an escape from the reality that she is tired of. She met a lot of true friends inside the virtual world. Will...