Chapter 14
Napaisip naman ako kung mayroon nga ba? Kinakapa ko ang aking sarili at hindi agad makasagot.
"Wala."
Sinabi sa akin ng mama ko na ayos lang naman magkaroon ng boyfriend basta ba sa bahay manliligaw. Ayos lang din daw tumanggap ng manliligaw kung meron man. Pero bakit mo pa hahayaang umabot sa puntong iyon kung alam mo sa sarili mo na wala talagang pag-asa?
Ito ang pinakaayaw ko sa ibang mga babae. Tumatanggap sila ng mga manliligaw dahil sa mga materyal na bagay na ibinibigay sa kanila. Madalas pa nga ay ipinagmamalaki pa na marami ang nanliligaw sa kaniya.
Ipinangako ko sa sarili ko na hindi basta basta aasa o tatanggap ng kung ano man sa isang lalaki lalo na kung hindi ko naman gusto. Kaya ko namang magipon para sa sarili ko eh. Tsaka papaasahin ko lang yung tao kung hahayaan ko lang.
"Wala talaga? As in?" pangungulit pa ni Brie na may kasamang pagdunggol sa aking balikat.
"Wala talaga eh. Kaibigan lang talaga." binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti at itinuloy na ang pag kain.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Briella bago humarap sa akin. Napakunot ang aking noo dahil sa biglang bumalot na tensiyon sa paligid.
"Naaalala mo ba mga nangyari noon?"
"Kay Curlyn?" tanong ko na nakakunot parin ang noo.
"Oo tol. Pakiramdam ko kasi hindi rin siya magkakagusto muna dahil sa nangyari noon? Don't get me wrong, alam kong bata pa naman tayo. " ramdam na ramdam ko ang pagaalala sa boses ni Briella.
Kahit ako naman din ay iniisip pa din kung anong mangyayari kay Curlyn. Lumipat siya ng lugar kung saan wala kami. Puro mga bagong tao ang makakasalamuha niya. Gaano kahirap ang magadjust sa panibagong environment kung mayroon kang napakabigat na dinadala?
"Kahit ako rin naman tol iniisip ko yan palagi. Hindi biro ang naranasan niya dito eh. Nagtiwala siya sa mga inakala niyang kaibigan niya pero sinaktan lang siya ng mga ito." napasandal ako sa sofa at niyakap ang throw pillow na nasa tabi ko.
"Sana nga maenjoy niya yung senior high school noh? Kahit na may ganun siyang experience dati." sumandal na rin si Briella at niyakap ang throw pillow na nasa gilid niya.
"Alam mo kakayanin niya yan. Matatag yan eh. Andito naman tayo para sa kaniya eh." hinarap konsiya at binigyan ng isang tipid na ngiti.
Si Curlyn ang bunso naming magkakaibigan. Siya ang pinakabata sa amin kaya naman iniingatan namin siya sa mga taong mananakit sa kaniya. Hindi maiiwasan na gawin ang lahat upang protektahan siya.
Narinig ko nalang na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Briella. Alam kong nagpipigil na siya ng luha. Nagbabadya na ring tumulo ang aking mga luha ngunit kailangan naming magpakatatag.
"Alam mo Brie, may mga bagay na hindi natin maiiwasan." nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon niya sa akin. "Pain is a vital part of life. Hindi natin maiiwasan ang lahat ng bagay na maaaring makasakit sa atin."
"Alam ko naman eh. Hindi ko lang maiwasang mag-alala sa kaniya lalo na at magisa siya doon." this time I faced her and showed a smile. Hindi ko alam paano pagaanin ang loob niya.
"The pain that she felt can make her stronger. Sa lahat naman ng tao eh. You can choose if you want the pain defeat you or you want the pain to make you stronger. The real purpose of pain is for you to learn something and to bring out the best in you." nakita ko siyang natigilan sa mga salitang binitawan ko.
BINABASA MO ANG
Abandoned Heart [COMPLETED]
Teen FictionKrysten Lagdameo is a typical senior high school student. She loves wattpad so much and a kpop fan as well. She treats the online world as an escape from the reality that she is tired of. She met a lot of true friends inside the virtual world. Will...