Coline POV
Nakauwi narin sa wakas!
Grabe ang mga nangyari ngayong araw,grabe si Manang ang lakas ng trip.
Trip nga ba yun o nagsasabi lang talaga siya ng totoo?
Kami bagay!
Totoo ba yun o sadyang malabo na talaga ang paningin ni Manang.
Ayokong mag-assume pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pangarapin iyon.Ayokong saktan sa huli ang puso ko nang dahil lang nag-assume ako kahit hindi naman totoo.
Ayokong masaktan,at kung totoo mang bagay kami...
tadhana na gagagawa ng paraan para maging kami.
Dahil isa lang naman ang nasa isip ko ngayon...
ayong mag-assume sa isang tao na hindi naman ako siguradong may gusto sa akin.
si tadhana na lang bahala sa nararamdaman ko.
-
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.Agad ko itong tiningnan para alamin kung sino ang bastos na papasok agad sa kwarto ko ng walang katok katok.
"Oh bakit ka nandito?" pagtatanong ko kay Anna,siya kasi yung pumasok ng walang katok katok.
"Ate,Nasaan na si Kuya Twinkle? Kailan siya dito Dadalaw?" tanong ng bata.
"Hindi ko alam Anna kung kailan siya dadalaw,siguro pagkatapos ng Test namin.sa sunod na araw na kasi yun eh,Bayaan mo sasabihan ko siya na dalawin ka dito." pagpapaliwanag ko sa bata,nakakaawa kasi walang kalaro.
"Promise mo yan ate ha!" bigla na lang sumigla ang boses ng kapatid ko.
"Oo Promise yan." sagot ko sa kanya sabay hila at akmang yayakapin ko siya.
"ate hindi ako makahinga!" sabi niya nung mayakap ko na siya.
"O Sorry." paghihingi ko ng sorry at agad naman siyang binitawan.
Kahit papaano naman noh kahit iba ang pakikitungo ko sa kapatid ko mahal ko parin yun,at hindi yun magbabago.
"Ate,advance happy birthday nga pala!"
Malapit na ba Birthday ko...
Teka nakalimutan ko ba.
Agad agad akong lumabas at hinanap ang kalendaryo,Naku naman bakit ba nagiging makalimutin ako nitong mga nagdaang araw.
At mismong kapatid ko pa na mas bata at wala pang isip ang nagsabi sa akin.
"Bakit mo naman alam na malapit na Birthday ko?" tanong ko sa kapatid ko.
"Eh sinabi sa akin ni Mama yun nung hinahatid niya ako papuntang school,may nakita kasi kaming may birhday party malapit dun sa school." pagpapaliwanag ng kapatid ko.
Ahh,so si Mama pala nagsabi sa batang to.
Buti pala sila natandaan pa ang Birthday ko samantala ako nakalimutan na! Hanubayan.
Cherryl POV
Nandito na ako sa harap ng bahay papasok na galing date...
Date naring matatawag yung bagay na yun noh.
Kakahatid lang sa akin ni Richard sa kanto at nilakad ko na lang nang kaunti papuntang bahay.
Pagpasok ko sa bahay unang nakita ko pa lang eh si Mama,mukhang may kinakabit sa may Dingding.
Tiningnan ko pa ng kung ano yung bagay na yun,Kalendaryo lang pala akala ko kung ano na!.
Aakyat na sana ako sa taas nang biglang nahagip ng paningin ko ang special na number...
Number ng Birthday ni Coline.
Agad akong lumapit dun at binilang ang araw...
Gosh!
Birthday na pala ni Coline sa Friday...
OmO naman oh Dadating pa kasi tong periodical test na to eh,yan tuloy kahit birhday ng kaibigan ko nakalimutan ko.
Ang Shunga ko talaga.Review pa kasi!
Hanubayan! ano naman kayng ireregalo ko dun sa nagmemenophost na babaeng yun.
Ang hirap pa naman regaluhan nun.
sana naman kahit ano na lang iregalo ko sa kanya eh magugustuhan niya.
Oh Lord sana magustuhan niya kung anong iregalo ko sa kanya.
"Cherryl,Magbihis kana para makakain na!" tawag sa akin ni mama mula sa Baba.
"Opo Heto na." sagot ko at agad ng nagbihis para makakain.Gutom narin ako eh Kunti lang kasi kinain ko.
"Bilisan mo!" ayan na naman ang sigaw niya.
"Opo heto na,Nagbibihis na nga eh" Sigaw ko.
Minsan talaga nakakainis yung mga taong paulit-ulit nakakabwisit.Ang Unli parang bingi naman yung sinasabihan nila.
Pagkatapos magbihis diretso agad ako sa baba,ayoko na nang paulit-ulit.Nakakabwisit yun eh.
"Oh Kumain ka na!" sabi ni Mama.
Umupo na ako sa bakanteng upuan at sinimulan ng kumain.
after 12345678910 years natapos narin akong kumain at umakyat muli sa taas.
Hanu ba kasing ipang reregalo ko?
Ang Hirap talaga mag-isip kapag hindi mo kilala ang isang tao...
wait nasabi ko ba yun..
naisip ko ba yung "ang hirap talaga mag-isip kapag hindi mo kilala ang isang tao" hindi totoo yun.
Hanubayan kung ano ano ang naiisip ko...
bakit hindi ko na lang kaya subukang magtanong at manghingi ng suggest sa kanil ni Richard at Ruppert.
baka sakaling makatulong.
![](https://img.wattpad.com/cover/26633491-288-k544895.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER 1
Teen FictionColine Sevilla Story --- Forever? Sa tingin mo Totoo bang Nageexist yang salitang yan kung lahat naman ng bagay sa mundo may hangganan. Maging ikaw nga na Nagbabasa nito ngayon,Mamamatay din sa tamang panahon. Oh tanong ko sayo.Totoo bang May Foreve...