Coline POV
[Story]
Birthday ni Anna ng mga araw na dapat sana masaya siya!
Nasa Park si Anna kasama ang mga Classmates nito.Nagkikwentuhan,Naglalaro,Nag-aasaran.Masayang Masaya ang kapatid ko ng mga araw na yun dahil first time niyang payagan ni Mama na Iinvite ang mga Classmates nito sa Birthday niya.
Masaya ang Atmosphere ng mga panahong iyon at mas lalo pang sumaya ng dumating ang hindi Inaasahang dadalo sa Birthday niya.Simpleng handa lang naman yun,Simpleng salu-salo aat pagkatapos nga nang salo salo ay dumiretso sila sa Park ng biglang Dumating si HINAYUPAK at si PUTANG INA.
walang iba kundi si Ruppert na kasasama si Hinyupak na Dexter.Siyempre Masaya ang Bata dahil dumating ang hindi niya inaasahang HAYOP este Tao (kung hindi ako nagkakamali na tao ngayon).
Tapos ang Nangyare ay Binati daw ni P.I. (Ruppert) si Anna at saka kiniss sa Cheeks siyempre tuwang tuwa ang bata dahil may mapagyayabang daw siya sa mga classmates niya,Dahil bukod sa may Kuya DAW siya at isama pa DAW ang Kapugian nito KUNO.
Pagkatapos mangyare yung Eksenang yun ay Agad daw nawala si Ruppert at Naiwan kasama ni Anna at mga Classmate nito si Dexter.Kinausap daw si Anna ni Dexter tapos may sinabi si Dexter na may Gusto daw siyang ikwento sa mga Kaklase nito.
"Mga Bata may gusto ako ikwento sa inyo tungkol kay Anna."
Nang Banggitin daw ni Dexter yan ay dun na simula Naguluhan si Anna dahil ngayon lang daw niya nakita at nakilala ang hampaslupang yun tapos may ikukwento na agd ito sa mga kaklase niya.
"Ano po yun?"Masigla at sabay sabay na sagot ng mga batang walang alam.
"Alam niyo ba na Nireregla na ang Kaibigan niyo!" Nagulat ng husto si Anna dahil ang totoo ay hindi niya pa Nararanasan iyon.Ngunit walang magawa si Anna kundi ang makinig na lang sa pangpapahiyang ginawa ni Dexter,Hindi siya makapagsalita dahil tinatakpan at pinipigilan siya ng katabi niyang si Hampaslupang Dexter.
"Alam niyo ba na nung araw na niregla si Anna ay iyak siya ng iyak dahil nagkalat na yung Dugo sa puwetan niya!" yan lang naman ang isa sa pamamahiyang ginawa ni Dexter.
"Yuck!" sabay sabay na sabi ng mga kaklase nito sa pandidiring tono.
"Tapos alam niyo ba na maraming taong Nakakita nung Araw na yun."Dagdag pa niya na talagang kinapandiri ng mga kaklase nito.
"Kadiri ka Anna!" Sambit ng isang kaklase nito.
"Kaya pala ayaw mong ipinapakita sa amin yang laman ng bag mo dahil punong puno siguro yan ng Napkin." Sambit pa ng isang kaklase nito sabay.
"Kaya pala!"Sabay sabay na banggit ng mga kaklase nito.
"Dexter!" tawag ni Ruppert na nasa malayo at agad namang tumakbo si Dexter papalapit dito.
"Hali na kayo! Baka Reglahin pa yan!" Saad ng isang kaklase nito na kinasangayunan ng lahat.
Naiwang Umiyak ang kapatid ko at nang Umuwi ito ng bahay ay agad niyang sinabi kay Mama.
Ang dapat sanang masayang araw sa buhay niya ay naging kabaliktaran dahil sa pamamahiyang ginawa ng ibang tao.Mga Pamamahiyang wala namang katotohanan!
At simula nun ay lagi na siyang inaasar at ginagawang katawa tawa ng mga kaklase nito at nananatili yun hanggang ngayon.
[End]
Nandito ako sa bahay ng nag-iisa kong bestfriend dito sa Pilipinas,Walang iba kundi si Cherryl na balita ko ngayon ay napakahopeless Romantic.
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER 1
Teen FictionColine Sevilla Story --- Forever? Sa tingin mo Totoo bang Nageexist yang salitang yan kung lahat naman ng bagay sa mundo may hangganan. Maging ikaw nga na Nagbabasa nito ngayon,Mamamatay din sa tamang panahon. Oh tanong ko sayo.Totoo bang May Foreve...