Coline POV
Konting antay na lang...
Konting Minuto...
At Masisilayan ko na muli ang Bansang Pinanggalingan ko.
Makakasama ko na muli ang Pamilya ko at mga Kaibigan.
Konting antay na lang COline Sevilla makakasama mo na sila.
Makakasama mo na rin sila after 5 Years.
Heto na ako.Pababa na ng Eroplanong sinakyan ko galing Japan.
Makakasama ko narin sila.
Excited na Kinakabahan.
Yan ang pakiramdam ko ngayon.Hindi ko mapigilan ang maexcite sa mga Mangyayari pero hindi ko rin mapigilang maisip na kabahan dahil sa mga pwedeng mangyari sa pagitan naming dalawa ni Ruppert.
Alam ko na Galit siya sa akin.Galit siya dahil hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya.
Alam ko mali ang ginawa ko nung mga panahon na yun pero yun lang ang naisip kong mainam na gawin.
Masyado pa akong bata nang mga Panahon na yun.
Nagsisisi ako pero kinailangan kong panindigan iyon Dahil para din iyon sa ikakabuti ko.
Mas Pinili kong hindi ipaalam sa kanila ni Mama ang pagbabalik ko.Gusto ko kasi silang Surpresahin.
Mas Pinili kong hindi ipaalam dahil ayokong may sumalubong sa akin dito sa Airport.
Mas Gusto kong ako ang sumalubong sa kanila sa bahay.Mas Gusto ko talagang Masurpresa sila.
Heto na ako.Pababa na nang Escalator.
Walang sasalubong sa akin dahil hindi naman ako nagsabi sa kanila ni Mama na babalik na ako.
Heto na Pababa na ako.
Maraming Taong Sumalubong sa amin dito.Ano to' May Artista? May Artista ba akong kasabay kanina? Bakit ang daming tao,Ang daming Banner at Tarpaulin.Wow lang ha! Hindi talaga ako na-inform.
Tiningnan ko ang mga ibang pasahero na kasabay ko ngayong bumababa ng escalator.Tiningnan ko isa isa.
Wala naman akong kasabay na Artista.Wow Lang ha!
Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mga taong sumasalubong sa amin.
Siguro kong Alam nila Mama na Nandito na ako.Mas Wild pa siguro yung mga yun kesa sa mga taong to na may iba't ibang hawak na Tarpaulin.
Lalong lalo na si Cherryl,Bunganga palang nun aakalain mo ng nakalunok ng isang Microphone at Megaphone.
Pero...
Hindi nila alam.Dahil mas Pinili ko iyon,Ang surpresahin sila.
Nang Makababa na ako tiningnan ko na lang ang dinadaanan ko kesa ang tingnan ang ibang tao habang sinasalubong ang Mahal nila sa buhay na bagong Dating.
Naiinggit lang ako.
Seryoso lang ako sa dinadaanan ko ng biglang...
"Ateeee!!!" Agad akong napatingin sa Tumawag.
Laking Gulat ko na lang ng...
Iba pala ang sinabihan...
Akala ko ako!! Sorry naman,Nag-Assume lang!
Tinuon ko na lang uli ang tingin ko sa Dinadaanan ko ng bigla na naman akong nakarinig nang tawag...

BINABASA MO ANG
Walang FOREVER 1
Fiksi RemajaColine Sevilla Story --- Forever? Sa tingin mo Totoo bang Nageexist yang salitang yan kung lahat naman ng bagay sa mundo may hangganan. Maging ikaw nga na Nagbabasa nito ngayon,Mamamatay din sa tamang panahon. Oh tanong ko sayo.Totoo bang May Foreve...