wF Chapter 38:Kuya Twinkle

69 2 0
                                    

Coline POV

Pagkatapos nang ilang Oras eh natapos din kami sa paglalaro  sa Bahay...Nagsiuwian na sila...

*flashback*

Nasa harap na kami nang Tindahan nang maabutan namin si Mama na inaabot ang binibili nung ale.

Tiningnan ako ni Mama pati ang mga kasama ko.especially yung dalawang lalake,Halata sa mukha ni Mma ang pagkagulat at pagkacurious kung anong dahilan kung bakit nagsama pa kaming dalawa ni Cherryl nang lalake.

Kinausap ko si Mama na gagawa lang kami nang Report para Bukas,Nung una hindi siya Pumayag.Labag pa nga sa kalooban niya eh.Pero Pinilit ko siya nang pinilit,Tumulong narin si Cherryl sa pangungulit.

Buti na lang at Magalang tong dalawang lalaking kasama ko.Bumati sila kay Mama na may kasamang ngiti at pa-bow pa.

Pinapasok ko na sila sa Bahay nang biglang nakita naman kami nang Kapatid ko.

"Ate Cherryl,ate Cherryl Laro tayo nang Jackston." pagpupumilit nang kapatid ko.

Nagulat iito nang biglang pumasok sila Ruppert sa bahay.Kilala ko na yang kapatid ko,malaiban kay Cherryl eh tumatahimik talaga yan kapag may ibang Bisita na  dumadalaw sa Bahay.

"Sino sila ate." tanong nang kapatid ko.

"Mga kaklase ko,Gagawa kami nang Report para Bukas." sagot ko.

"Ahh." sabi nang kapatid ko.

"Hello,ikaw ba ang kapatid ni Coline." masayang tanong ni Ruppert.

"Opo."sagot nang kapatid ko.

"Ahh..Ang Cute cute mo naman." sabi ni Ruppert sabay kurot sa Pisngi nang kapatid ko.

"Ikaw po ang Pogi Pogi niyo po...Bagay po kayo ni Ate." sabi nang kapatid ko.

Sa sinabi niyang yun eh nagkatinginan kami ni Ruppert pero inalis ko rin agad.Hiondi naman ako katulad ni Cherryl na todo titig pa  kapag tinitigan ni Richard.

"Hello,ako si kuya Richard." biglang sabi ni Richard.

"ahh...Bagay naman po kayo ni Ate Cherryl." sabi na nnaman nang kapatid ko.

Nagkatinginan din silang dalawa,Ang lande talaga nitong bbaeng to napuri lang.

"thank you.Ikaw anong Name mo." tanong naman ni Richard.

"Anna po." pabebeng sagot nang kapatid ko.

"Ang Cute naman ni Anna parang mas Cute pa sa ate niya."sabi ni Ruppert sabay tingin sa akin nung binanggit niya yung pangalan ko.

"Thank you po.Pwede po ba tayong maglaro nang Jackston."pagyayaya naman nang kapatid ko.

Naku,itong batang to.Hindi naman nilalaro yan ni Ruppert eh.

"Ahh hindi.Gagawa kami nang ire-report bukas." sabi ko sa kapatid ko.

"Sige na ate kahit saglit lang." pagpupumilit nang kapatid ko.

"Oyy.Gusto daw makipaglaro nang bata oh." sabi ni Richard kay Ruppert na may kasama pang Siko.

"Ahh.Little Anna.Mamaya na lang tayo maglaro kasi kailangan pa namin gawin yung ire-report namin bukas." sabi ni Ruppert.

"Promise." sabi nang kapatid ko.

"Oo naman Little Ana." sabi ni Ruppert at Umakyat na kami sa taas na kunyare eh gagawa kami nang Report kahit hindi naman talaga.

"Oh so anong gagawin natin ngayon." mahinang sabi ni Cherryl nang makaakyat na kami sa taas.

"Kwarto mo to Coline." sabi ni Ruppert habang tinitingnan ang mga nakadisplay sa kwarto ko.

Walang FOREVER 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon