Coline POV
Hanggang ngayon naiinis parin ako dun sa dalawa.Dinagdagan pa ni Cherryl yung inis ko sa kanya.kagabi habang Noboboring ako,tinext ko si Cherryl pero hindi man lang sumagot.kiala ko naman yung ugali nung babaeng yun.Nagtetext yun kapag may nagtetext sa kanya.
Ano kayang nangyari dun?siguro busy na naman sa Lovelife niya.Hay naku!! Shete.Bumalik na naman yung ugali niyang laging hindi nagrereply tuwing nagtetext ako.
Ugali niya nung unang naging sila ni Richard,akala ko kung ano nang nangyari sa kanya.yun pala busy lang sa kakatext dun sa Richard na yun.Ni kahit nun hindi man lang ako mgawang replayan kahit isang Letra.pero kapag may kailangan talo pa ang linta kung makapagsipsip.
Shete nga naman oh!Bumalik na naman ugali ng kaibigan ko.Ugali niyang pinakaayaw ko.Pag-ibig nga naman.Pag-ibig na nakakapu*a.
Bayaan na nga lang!masasanay din ako.
magbe-break din naman sila eh.wa kayang Forever.
Magsasawa din sila sa isa't isa,tulad nang nangyari sa nanay at tatay ko.
Hanggang dun lang naman ang Ending ng Relationship eh! sa una.Nakakakilig,tulad nang nararamdaman ngayon ng haliparot kong kaibigan at syempre ang pinakamasaklap kapag nagmamahal ay ang masasaktan hanggang sa magkalabuan na kayo at mauwi sa Hiwalayan.
HAHAHAHA..
walang Forever.Forevermore lang..xD
Ito na ako.nagbibihis na,para makapasok at magkalaman naman si utak kahit papaano.hindi yung Puro 'Love' yung naiisip.
baka pati si Future madamay.
kawawa naman si Future life ko.
Pero paano kaya kung magkaBoyfriend ako.tapos mahal ko siya pero.
hindi niya ako mahal.ano kaya ang mangyayari sa akin.
kaya ayoko nang Love eh,ang daming 'malay' at 'akala'.
sino ba kasing nagpauso nung Love na yun.pati tuloy inusenteng tao nadadamay.
Yung Love parang Ebola din pala.once na kinapitan ka ng virus mahahawa at mahahawa ka.kahit anong gawin mo InLove ka na.
Shete lang!! Ayokong mangyari sa akin yun.Si Future muna bago ang Future Husband ko.choss ang corny parang Popcorn..
sabi nga ni Kris Aquino. Love,Love,Love..
"Ma,akin na yung baon ko."panghihingi ko ng baon kay Mama.
"Baon?"sabi ni mama.
"Oo,baon ko akin na mamaya maya lang aalis na ako."sigaw ko kay Mama,nasa 2nd Floor kasi ako tapos si mama nasa 1st floor nagkakape.
"Ang Love,Love ng mga bilihin mo sa school tapos manghihingi kapa sa akin ng baon."sabi ni mama
Anong ang Love,Love ng bilihin ko?.
"Ma,pakiulit nga yung sinabi mo."sigaw ko kay Mama.
"Sabi ko Bumaba ka dito para makuha muna tong Baon mo.ayaw mo,ayaw mo."sabi ni Mama.
ah.parang hindi naman yun yung narinig ko.ewan ko ba puro na Love tong naiisip ko.kaya pati itong tenga ko nadadamay na.
Baka sunod niyan kakaisip ko ng Love,hindi ko na namamalayan pinagpipiyestahan na pala ang katawan ko.Grabe! Huwag naman sana.Mahal ko pa Katawan ko.mahal ko pa si Future.
"Coline,Kung gusto mong makuha tong baon mo bumaba ka,hindi yung ako pa pupunta diyan.HUWAG KANG PABEBE!"sigaw ni Mama.
Ouch.Grabe ha!!ang sakit Pabebe daw ang Peg ko sabi ng nanay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/26633491-288-k544895.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER 1
Teen FictionColine Sevilla Story --- Forever? Sa tingin mo Totoo bang Nageexist yang salitang yan kung lahat naman ng bagay sa mundo may hangganan. Maging ikaw nga na Nagbabasa nito ngayon,Mamamatay din sa tamang panahon. Oh tanong ko sayo.Totoo bang May Foreve...