Ruppert POV
Monday ngayon,dapat akong
magdiwang.
Ilang chapter din ako nang storya na 'to hindi nagparamdam...
at yun ay dahil kay...
Mama.
Oo siya.
Bwisit na bwisit ako nang hinablot niya sa akin ang cellphone ko.
Grabe siya,parang nawala ang pagkaulirang ina niya dahil lang dun sa paghablot niya nang cellphone ko.
Habang...
Nagtetext,Nagtetext ako nang bigla niyang hinablot ang cellphone ko...
At ang katext ko pa nun ay walang iba kundi si...
COLINE!
Ngiti-ngiti pa ako habang nagtatype sa cellphone ko nang biglang hinablot ni mama ang cellphone ko.
Buti na lang talaga at napindot ko ang off button nang akmang hablutin ni mama yun at nang mapasakamay niya...
Binuksan niya iyon pero hindi niya alam na may password kaya hindi siya nagtagumpay.
HAHAHAHA!!
Lumabas si Mama ng kwarto dala ang cellphone ko at ilang saglit lang ay bumalik din ito kaagad.
Dala ang mga libro ko sa bawat subjects.
Dapat pala sinarado ko kaagad.aish
"Oh yan ang atupagin mo kesa ang atupagin ang kakatext sa ibang tao...may pangiti ngiti kapa diyan." Inis na sabi ni Mama sabay lapag nung mga libro at umalis na sa kwarto ko.
"Hindi ako makakapayag nang ganito." Yan ang nasabi ki sa sarili ko.
"Ma,yung cellphone ko."padabog kong sabi kay mama nang makalabas ako nang kwarto.
"Che,atupagin mo ang pagrereview diyan kesa ang pagtetext." Sabi ni mama sabay talikod.
"Mama naman,kakatapos ko lang magreview." Padabog ko paring sabi.
"Wala akong nakita."pang-aasar na sabi ni mama.
"Ma."sigaw ko.
"Bahala ka ka diyan,tanging pagrereview na lang ang gagawin mo.hindi ka naman nagtatrabaho."pasigaw din na sabi ni mama at tinuluyan na akong tinalikuran.
---
Sa ngayon,nandito ako sa field nang school kasama ang mga classmate at ka-schoolmate ko habang hinihintay magsimula ang flag ceremony.
Kanina pa ako nandito at kaninang kanina pa ako naiinip.kung pwede lang kasing laktawan toh kanina ko pa siguro ginawa.
Pasikip na nang pasikip dito halis hindi na ako makagalaw,parami kasi nang parami ang dumadating.
May mga nagmumurahan,Nagbabatukan,Nagdadaldalan at iba pa na lagi nilang ginagawa tuwing araw nang monday,tuwing araw nang flag ceremony
"Oh pasingit ha."si richard na kakarating lang.sisingit siya kasi ayaw niya sa likuran.
"Ano ako uto uto." Sabi ko sabay palayas sa kanya.ayoko ngang magpasingit.
"Parang ganun na nga." Mabilis na balik niya.
Lalo akong nagalit sa sinabi niya,sinabayan niya pa yun nang tawa na nakakainis.
Coline POV
Papunta na kaming dalawang ni Cherryl sa field, kung saan laging ginaganap ang nakakabwisit at nakakapunyeta sa sobrang init na flag ceremony.
Oo,kasama ko si cherryl ngayon.ang aga niya kasing umalis sa bahay nila siguro naisipan niya na puntahan ako sa bahay kaya heto kami ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/26633491-288-k544895.jpg)
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER 1
Ficção AdolescenteColine Sevilla Story --- Forever? Sa tingin mo Totoo bang Nageexist yang salitang yan kung lahat naman ng bagay sa mundo may hangganan. Maging ikaw nga na Nagbabasa nito ngayon,Mamamatay din sa tamang panahon. Oh tanong ko sayo.Totoo bang May Foreve...