wF Chapter 33:Bakit kaya?

100 2 0
                                    

Cherryl POV

Naku sabi na eh! NaInLove na ng tuluyan si Kuya.Hindi man niya sabihin,halata naman sa mukha niya ang pagkagulat at ang meaning nun eh hindi niya ini-expect na itatanong ko yun.Sorry na lang hindi ko napigilan eh,natanong ko sa kanya yung about dun sa nararamdaman niya.Pero hindi ko na tinuloy na sagutin niya kasi sa mga kinikilos pa lang niya at sa reaksyon niya kanina, alam ko na  ang totoo.Lalong lalo na nung tinignan ko nang straight yung mata niya,halatang lumalayo iya sa mga tingin ko.Ibig sabihin...alam na!

Nakakatawa lang kasi kaninang pagpasok naming dalawa sa room halatang nagulat si Coline nung sumunod na pumasok si Ruppert,nung nasa likuran ko lang siya.Naku Patay na! hindi ko pa pala nakakausap si Coline about dun.Patay ka Cherryl sa kaibigan mong InLove rin katulad mo.Hala! aba sumasagot din si Utak.

Hay Naku! Kailan kaya magiging sila.sana sabay nilang dalawa ni Richard na ligawan kaming Dalawa ni Coline.Kung  ganun ang mangyayari paniguradong lilipad ang mga tenga ko sa sobrang tuwa.para tuloy ini-imagine ko na ngayon ang mga mangyayari kapag naging Double Date kaming Apat.Hay Naku! may taga-libre na kami sa mga monthsary naming apat at walang iba kundi si...Ruppert Kim,mayaman kasi siya eh.Choss.Hay Tama na,kung ano ano na ang mga iniisip ko na hindi na pwede na ewan ko kung mangyayari ba.

Tama na Cherryl,Masyado ka nang Malandi.Hala! ayan na naman tong Punyetang utak na to' kung ano ano na ang mga sinasabi.

Ay Oo nga pala,kanina sinabi ko kay Richard ang napag-usapan naming dalawa ni Ruppert.siyempre ngumiti siya,malamang Lovelife na yun ng kaibigan niya.at saka hindi naman siya nagalit o kahit napagsabihan lang ako.Tuwang tuwa pa nga siya eh.

Dapat lang siyang matuwa,Dahil Subukan niya lang magalit sa akin.Hindi ko siya papansinin ng limang linggo,kahit magkatabi pa kami.choss kaya ko ba yun,mukhang malabo.

Ay Naku! Patay talaga ako kay Coline.Baka isipin nun inaagawan ko siya nang Lovelife,baka isipin nun naghhanap ako nang Third Party at baka isipin nun si Ruppert ang napili ko.Naku naman oh,kailan ba kasi natuwa yun sa mga ginawa ko.

Di bale na kakausapin ko na lang siya sa pamamagitan ng Text.

At siyempre magdadahilan ako.hindi ko naman pwedeng sabihin na nagtanong ako kay Ruppert na kung gusto niya ba si Coline,panigurado Babatukan ako nun ng malutong.kasing lutong ng Chicken Joy ni Jollibe.

Ay Wait! Speaking Of Chicken Joy ni Jollibe,mukhang gusto kong makakain nun.parang feel ko nagke-crave ako.Punyeta kasi naisip ko pa eh.yan tuloy natatakam ako.

Himala na lang kung may nakarinig at may bumili ng Chicken na yun.

pero sana nga meron,para naman sana makatulong siya sa akin,sa mga problema ng Bunganga at Tiyan ko.

Mukhang nagugutom na nga talaga ako.parang sa tingin ko gusto kung Kumain.kumain ng mga malulutong na pagkain tulad nang Chicken Joy ni Jollibe.

Hay Naku,Chicken Joy ni Jollibe,mukhang hanggang pangarap lang kita.pangarap na Inaasam asam ng bunganga at tiyan ko.

Hay Naku,Chicken Joy ni Jollibe.maging akin ka man.hinding hindi na kita papakawalan,hindi ako mamimigay kahit na sa kapatid kong buraot.

Coline POV

BAKIT KAYA? 

bakit kaya sabay silang dalawa ni Cherryl pumasok ng Room.ano kayang ginaw nila na hindi ko alam.

Ano kaya yung mga bagay na pinag-usapan nila kung meron man.pero sana wala.

Dahil subukan lang niyang mang-agaw nang Crush.Naikakatiyak ko na 'Babangon ako at Dudurugin kita' choss.

Walang FOREVER 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon