Ruppert POV
pagdating ko sa bahay dumiretso ako agad sa kwarto.
hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayare.
ano bang nangyayari ngayon sa mundo,ganun na ba talaga kaliit ang mundo.
Una,hindi ako makapaniwala kasi magkaklase kami,ngayon magkatabi parin kami ng upuan.
sana sunod namang gawin ni kupido eh maging kami na..
para magkaroon na ng Forever..
pero wait lang...
sabi ni richard hindi daw si coline naniniwala sa Forever.
ganoon na ba talaga ka Bitter yung babaeng yun.
siguro nga Bitter siya.
Coline POV
Dear,FOREVER
Kung ako sayo magtago tago kana,marami nang galit sayo.marami nang bitter sayo.patay karin sa akin.
Dear,Kupido
Ano bang ginagawa mo sa akin.masyado mong pinapakilig ang puso ko,kapag ako naniwala na sa FOREVER dahil sa gingawa mo magtago tago kana.
Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko.
anu bayan ang liit naman talaga nang mundo.
bakit magkatabi pa kami?
sa sobrang dami ng upuan sa room,bakit sa tabi ko?
anu ba trip ni ma'am sa aming dalawa?
punyeta kinikilig na ako.
ano naman sanang mangyayari bukas?
ano kayang strategy na gagawin ko?
kung hindi nalang kaya ako pumasok bukas,para makapagpahinga naman ang puso ko.lagi na lang tong kinikilig.nakakapimbyerna na.
-
ano ba Ruppert Kim bakit ang lakas ng tama ko sayo!!
Crush lang kita,tandaan mo yan..crush lang kita!!
-
para talaga akong tanga dito kakatanong sa sarili ko.
bakit ba naman kasi sa sobrang dami ng upuan sa room sa tabi ko pa..
ganun na ba talaga kaliit ang mundo!!
sana naman bukas wala na akong maramdaman na kakaiba,ang hirap kaya mag-aral pag-iba ang nararamdaman mo.
parang natatae ka lang .
kapag alam mo na natatae ka,hindi ka makapagconcentrate sa isang bagay.
ganun din kaya nararamdaman ko kanina.paramng ayaw tumigil ang puso ko sa kakatibok.
-
bwisit naman.
sana magexchange na lang kami ni cherryl.
tutal naman wala akong nararamdaman kay Richard eh..
Yuck!!
addict yun sa DOTA eh..
ay huwag na lang...
baka ahasin pa ni cherryl si Kuyang GUY
alam niyo naman yun. walang pinapalampas,walang ikinakatakutan at medyo maharot at malande.mang-ahas pa yun eh..mahirap na
papuntahin ko kaya dito si cherryl ..
sige.
To:Cherryl
Cherryl pumunta ka dito sa bahay,kwentuhan tayo.malandi ka!!
bilisan mo..
Sent...
Grabe ang harsh ko naman wala namang ginagawang masama ang tao sinasabihan kong malandi..
Bad ka talaga Cherryl..
Ruppert POV
ano kayang magandang gawin.
ano kaya ang magandang gawin na pwedeng kahit isang oras lang makalimutan ko muna si Ateng Cute.
araw araw,oras oras ko na kasi tong naiisip..
bwisit na,nakakabakla!!
makapagbukas na lang kaya ng FB acount.
mang-istalk narin.
Coline POV
Bakit ang tagal naman ni cherryl.
nakakailang text na ako sa kanya wala parin siya.
ano kaya trip nung babaeng yun.
nakakainip na kaya dito sa bahay walang magandang gawin.
buti sana kung may wi-fi dito.
eh wala eh,nganga.
kailangan pang dumayo sa computer shop.
sa sunod na araw yun yung ihihingi ko sa ulira kong ama.
Ruppert POV
nakapaglog-in na ako dito.
walang magawa,puro lang like yung notification ko.nakakainis lang.
Makapunta nga sa wall ni coline sevilla.
maka-stalk lang..
syempre pagcrush mo ini-stalk mo.
ano pa bang gamit ng FaceBook.
buti na lang at mabilis ang wi-fi at nakaexplore agad ako sa wall nitong crush ko.
wala namang bago.ganun parin yung picture niya,hindi pa siguro siya nakakapalit ng Profile.
hindi pa nakaonline.marami namang likers.
Edi Wow..
P E Y M O U S
ikaw na peymous,maganda ka eh..
maya maya pa habang nage-explore ako sa FB bigla akong tinawag ni mama para kumain.
Bumaba naman ako agad.syempre medyo gutom.
Coline POV
nakakapunyeta na yung babaeng yun.hanggang ngayon wala parin.
nambibwisit ba siya. oh ewan.
sana man lang pumunta siya dito.wala akong libangan.
walang bunganga na magdadakdak kahit wala namang nakikinig.
nakakamiss yung punyeta nayun.
nakakaimbyerna.
1 Hour wala parin.
trip nung babaeng yun.
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER 1
Teen FictionColine Sevilla Story --- Forever? Sa tingin mo Totoo bang Nageexist yang salitang yan kung lahat naman ng bagay sa mundo may hangganan. Maging ikaw nga na Nagbabasa nito ngayon,Mamamatay din sa tamang panahon. Oh tanong ko sayo.Totoo bang May Foreve...