Coline POV
Dumating ang Lunes,Mas Pinili kong Pumasok kesa ang Makitungo kay Mama nang hindi naman ako pinapansin at Kinakausap.Useless Din!Kaya Pumasok na lang ako.
Nang Makarating ako sa Room,Agad naman akong sinalubong ng Malapad na ngiti ni Cherryl.Malamang alam niya ang nangyari.Nandun siya eh! Pagkatapos Tingnan ang malapad na ngiti ni Cherryl,Agad ko namang inilipat ng tingin ang mga mata ko sa Upuan ko.Nang makita ko iyon,Laking Pagtataka ko na lang ng makitang wala pa sa Upuan niya si Ruppert.Wala pa siya.Bakit?...Nang tinanong ko kay Richard kung bakit wala pa si Ruppert ang sabi niya binabantayan daw nito ang Nanay niya na sinugod sa Hospital nung araw ng Birthday ko.Nang itanong ko rin sa kanya kung anong dahilan kung bakit Nasugod sa Hospital ang nanay niya ang tanging sagot niya ay Nahilo daw ito at kailangan manatili sa Hospital para araw araw matingnan ng Doktor.Ang Sad nho!
Natapos ang klase ng Araw na yun,Mas Pinili kong Umuwi ng Maaga dahil alam ko naman na busy si Cherryl kay Richard.Alam na! Nang makarating ako nadatnan ko na lang ang nakaparadang Kotse sa tapat ng Bahay,Hindi ko alam kung sino ang may ari nun.Ang nasa isip ko lang ay Bigatin ang may-ari nito dahil sa kulay at pagkukuti-kutitap sa akin ng balat ng Kotse.Pero bakit sa Harap pa talaga ng Tindahan namin? Hindi ba niya alam na Hinaharangan niya yung Tindahan,Ang Bastos naman ng May-ari nitong Mukhang mamahaling Kotse na to.
Nang Pumasok ako sa Loob ng Bahay Nadatnan ko na lang ang kapatid ko na Naglalaro sa harap ng Pinto.Tiningnan niya ako at sinabi ito."Ate Andyan si Papa,Kausap si Mama." Malinaw na Malinaw,Dinig na dinig ng Dalawang Tenga ko.Andyan si Papa,Andyan ba siya para Pilitin uli ako at para saan naman ang pinag-uusapan nila? Nang Tingnan ko ang Sala,Nandun sila! Nag-uusap at mukhang Seryoso. Nang Mapansin nilang Nandun ako,Kaagad nilang itinuon ang atensiyon sa akin.Tumayo sila at Humarap sa akin."Ma,Ano yun?" tanong ko kay Mama dahil gusto ko malaman ang pinag-uusapan nila.Hindi sumagot si Mama at Nagulat na lang ako ng Bigla niya akong Niyakap,Yakap na parang mawawala ako ng ilang araw."Ma,Ano yun?" tanong ko uli at mas malakas na yun kesa sa una.Nang bitawan ako ni Mama sa pagkakayakap nakita ko na lang sa mukha niya na parang maiiyak-iyak siya."Pa Ano toh?" tanong ko kay Papa nang muli akong Niyakap ni Mama.Ayaw nilang sumagot sa Tanong ko,Hindi ko alam kung bakit.Gusto kong malaman.
Nang muli akong bitawan ni Mama sa Pagkkayakap niya bigla na lang niyang hinawakan ang Dalawang braso ko at sinabing."Anak,Makinig ka sa akin." sabi niya na parang maiiyak."Oo Ma." sagot ko na mahina."Sasama ka sa Papa mo sa Japan,Dun ka na Mag-aaral!" halos huminto ang pag-ikot ng mundo at parang ayaw magsink in sa akin lahat ng sinabi ni Mama."Ma,Bakit?"Mahinang tanong ko.Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Mama,Nung isang araw lang Tutol na Tutol siya sa Gustong Gawin ni Papa tapos ngayon Nagbago agad ang Desisyon niya."Coline,Anak Para din to sa Kinabukasan mo!" sagot ni Mama.Para lang dun,Bakit hindi b ako pwedeng makapag-aral dito sa Pilipinas,Hindi Maari yun.Ayaw kong iwan ang mga taong mahal ko."Ma,Hindi Pwede.Aykong Umalis." halos kulang nalang isigaw ko kay Mama yan."Anak,Pumyg ka na.Para din ito sa kinabukasan mo!" pilit na sinasabi ni Mama na para yun sa Kinabukasan ko,Bakit hindi ko ba magagawang tuparin yun dito sa Pilipinas."Pa,Ano to?" Naiinis na talaga ako."Anak Pumayag kana,Tiyak na kapag dun ka Nag-aral mas Madami kang matututunan." sagot niya."Bahal kayo!" sabi ko sabay iwan sila at umakyat na sa taas."Coline..."Sigaw ni Mama,Hindi ko iyon Pinansin.
Lumipas ang isang araw at hindi ko parin tinanggap ang gusto nilang mangyari,Tinuon ko na lang ang sarili ko sa Pag-aaral.Nagbabakasakali na Magbago ang isip ni Mama at ipaglaban niya kay Papa na magi-istay ako pero hindi naging madali iyon dahil panay ang pangungulit sa akin ni Mama at walang tigil niya akong sinusuyo.Ewan ko kung bakit bigla na lang napapayag ni Papa si Mama.Basta ang nasa isip ko lang ay hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari.
Lumipas na naman ang isang araw at hindi parin ako natitinag,Hindi parin nila akon napapa-Oo,Si Ruppert naman ay hindi pa pumapasok,Nauunawaan ko naman yun kasi silang dalawa lang ng Mama niya ang Magkasama.
Dumating ang Araw na...ang araw na nagdesisyon ako na wala sa sarili,Nagmamakaawa na sa akin si Papa at Mama.Hindi ko alam ang gagawin ko kaya bigla na lang akong nagbitaw ng salita.Napa-Oo ako ni Mama at Papa hindi ko akalain na makakapagbitaw ako ng salitang babago sa aking buhay.
Nahanda na lahat.Dalawang araw bago ang alis ko,Naayos na lahat ng dapat ayusin.Naayos kaagad ito ni Papa nang ganoon kabilis.Nalaman narin yun ni Cherryl pero hindi ko pinaalam sa kasintahan.Ang Gusto ko lang na sa araw na pag-alis ko ay wala akong mahal sa buhay na iiyak sa akin.
Dumating ang araw,Araw ng Pag-alis ko.Nakahanda na lahat ng Gamit ko,Gustong Sumama ni Cherryl sa Paghatid sa akin sa Airport pero hindi ko siya pinayagan.Mas Pinili kong Pumasok na lang siya dahil ang iniisip ko ay baka siya pa ang Umiyak sa harap ko at mabuti narin sigurong Pumasok siya para hindi si Richard makahalata.Tinanong ko sa kanya kung Pumasok ba si Ruppert at ang sagot niya ay Oo.Hindi daw niya alam kung anong idadahilan dito dahil nagtatanong daw ito kung bakit hindi ako Pumasok at nagtatanong din daw ito kung kailan ako uli papasok.Sinabi ko sa kanya na Umisip siya nang Paraan para Hindi nila malaman.
Ang Hindi alam ni Ruppert na Hindi na ako Muling Papasok.Nakakainis lang dahil nagawa kung hindi magpaalam sa taong mahal ko.
Nang Tuluyan na akong makaalis,Dun ko lang naisip na pagsisisihan ko itong Ginawa ko.
Dito sa Eroplano,Nakilala ko si Em's ang makulit at palabirong nakakabwisit na Isa sa Bestfriend ko.
Nagtext sa akin si Cherryl na Pumunta si Ruppert sa bahay at dun niya nalaman na wala na ako ng Ganun Ganun lang.Naiinis ako sa sarili ko.
Ang Mga Sunod na araw ay ang sabi ni Cherryl ay Gusto daw ako makausap ni Ruppert pero hindi ako Pumayag.Sinabi ko kay Cherryl na huwag na huwag na siyang magbabalita sa akin na tungkol kay Ruppert dahil ayoko lang pagsisishan ang Ginawa ko.Ayokong mapauwi ng Maaga.
Pero sadyang hindi talaga marunong sumunod tong Babaeng to,Ang sabi niya ay nagbago na raw ang ugali ni Ruppert,Kung kani-kanino na daw ito sumasama at naging kabarkada na daw nito sina Dexter,Naiinis ako sa sarili ko,Ito na ang Ayokong mangyari,Ang pagsisihan ang maling Desiyon ko.
May isa pang Sinabi sa akin si Cherryl na kinabigla at halos hindi ata nagsink in sa utak ko.
Kaya pala ganun na lang ang pag-aalala at Paghahanap sa akin ni Ruppert dahil matagal narin pala itong may Gusto sa akin.Nagawa pa nitong Magbago nang dahil lang sa akin.
"Ano bang Ginawa ko."yan lang ang nasabi ko nang malaman iyon.
Mas Lalo pa daw naging Hyper si Ruppert at muntikan ng hindi makaGraduate.Kung sino sino pa daw ang nililigawan nito at Niloloko.Hindi ko akalaing magiging Ganun siya nang dahil lang sa akin.
Napakasama kong tao.
Muntik na akong makasira ng Relasyon,Muntik ko ng Masira ang Relasyon nina Cherryl at Ruppert ng dahil lang sa paglilihim ko.
Hindi na daw sila nilalapitan ni Ruppert lalong lalo na si Richard na Bestfriend at Kababata nito.
Nakasira na ako ng Pagkakaibigan,Muntik pa akong Makasira ng Relasyon.
Hindi mo lang alam na Mahal din kita Ruppert pero nagawa ko iyon para lang sa kinabukasan ko.Sinira ko ang Pagkakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Walang FOREVER 1
Teen FictionColine Sevilla Story --- Forever? Sa tingin mo Totoo bang Nageexist yang salitang yan kung lahat naman ng bagay sa mundo may hangganan. Maging ikaw nga na Nagbabasa nito ngayon,Mamamatay din sa tamang panahon. Oh tanong ko sayo.Totoo bang May Foreve...