CHAPTER 28

1.2K 31 0
                                    

CHAPTER 28

Kagat kagat ni Kenzo ang labi nya habang nakaupo sa kaharap na sofa ni Mrs. Emelda o mas kilala bilang Mrs. Montenero, isa't kalahating oras narin ang nakalipas mula nung iwanan nya ang dalawa sa labas ng bakanteng lote na di kalayuan sa mansyon.

"ijo?—"

"—Po?" kinakabahang aniya.

"hindi ka ba hinahanap sa inyo? mag hahating gabi na ah?" usisa ni Mrs. Montenero sabay tingin sa pambisig na orasan.

"ah..h-hindi po"

"gusto mo bang gisingin ko si Cohen?"

"H-ha? ah..h-hindi na po." pigil nya rito.

"why not? dito ka nalang matulog kailangan ko narin kasing magpahinga."

"H-hindi na p-po aalis narin p-po kasi ako ngayon.  wag nyo na  p-pong gisingin si Cohen..."

"Ganon ba?" saglit pa itong nag-isip bago ito tumayo. "sige, ijo dito ka nalang muna ipaalam mo nalang sa mga katulong kapag gusto mo nang umuwi"

"Sige po" galak na aniya.

Sinundan pa muna ni Kenzo ng tingin si Mrs. Montenero bago sya nagpakawala ng mabigat na buntong hininga, sa wakas at nakahinga narin sya ng maayos.

Para syang baliw kanina hindi nya alam ang gagawin sa tuwing kinakausap sya ni Mrs. Montenero, pa'no ba naman? ang anak nyang pasaway ay tinulungan nya lang namang makalabas.

Tsk. Gano'n ba dapat katagal pag nag-uusap? Anang bahagi ng isip nya. Tumayo si Kenzo ng mapansing hindi na muling lumabas pa si Mrs. Montenero.

"Manang uuwi na po ako, paki sabi nalang kay Tita" sabi nya sa kasambahay.

"Opo señorito"

Nginitian nya ng tipid ang ginang bago sya naglakad papalabas sa mansyon.

Paglabas ng paglabas palang kaagad nya ay nagtungo kaagad sya sa bakanteng lote kung saan nagkita sila Cohen at Talia.

Papunta palang dapat sya dun ng biglang makita nya si Natalia mula sa kinatatayuan nya, nakaupo ito sa harap ng sasakyan nya at mukhang malalim ang iniisip.

Kaya naman imbis na sa bakanteng lote sya dumeretso ay naglakad nalang sya patungo sa gawi ng dalaga.

"si Cohen?" puna nya rito ng makalapit.

"Umuwi na, hindi ba kayo nagkasalubong?"

"Hindi. baka sa kabilang daan sya dumaan"

"Ganon ba."

Biglang natahimig si Natalia kaya hindi maiwasan ni Kenzo na magtaka. nag-away kaya sila? di pa ba sila nagbabati?

Tumikhim si Kenzo dahilan para maagaw nya ang atensyon ni Talia.

"kumusta?" paninimula nya.

"ang alin?" walang kabuhay buhay na tanong nito sa kanya.

"About you and Cohen." sandali nyang binitin ang sasabihin. "well, actually plano talaga 'to lahat ni Cohen. hindi sya makalabas ng Hacienda kaya ako ang hiningan nya ng tulong." sarkaskito syang napangisi. "tsk. pagkatapos nya akong suntokin—"

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon