CHAPTER 24"pwede bang sumama?" ani Kyla na ngayon ay nakapanghalumbaba sa ibabaw ng mesa.
"tigilan mo na nga 'yan Kyla" suway naman ni Joceline rito.
"Tch. pakialamerang 'to"
Hindi pinansin ni Natalia ang dalawa at inabala nalang ang sarili sa pag-aayos. pasado alas sais na ng hapon kaya madilim na rin sa labas.
"sigurado ka bang 'yan ang susuotin mo?" maya maya'y puna ni Joceline sa kanya.
Tiningnan naman ni Natalia ang sariling suot. hindi naman masama para sa kanya, isang Jeans na pantalon at crop top lang naman na t-shirt ang suot nya anong masama ro'n hindi ba?
Nag-angat sya ng tingin sa kaibigan. "Bakit? okay naman ah?"
"anong okay? ano ka pupuntang SM?" natatawang ani Kyla. "akala ko ba Pool party ang pupuntahan mo?"
"eh ano naman ngayon?" inirapan nya ang mga kaibigan. "ano ba inaasahan nyong susuotin ko?"
"Swim suite" sabay na sagot ng dalawa.
Napangiwi naman si Talia. "tigilan nyo nga ako"
Hindi nalang pinansin ni Natalia ang mga kaibigan nyang panay ang bunganga kakadaldal sa kanya at inabala nalang nya ang sarili sa pag-aayos. alam nyang darating si Cohen mamaya kaya eto sya ngayon at panay ang paganda.
Nang matapos sya sa pag-aayos ay tumayo na sya para sana magpaalam sa mga kaibigan pero ganu'n nalang ang pagtataka nya ng hindi nya makita ang mga kaibigan sa buong pasilyo ng dorm. kaya naisip nya na baka lumabas lang ang mga ito para bumili.
Kinuha nalang ni Natalia ang bag nya at akmang maglalakad na sana papalabas ng makarinig sya ng malakas na busina ng sasakyan mula sa labas ng dorm nila.
Napatingin sya sa may bintana at patakbong lumapit roon dahil sa pag-aakalang si Cohen iyon. ngunit ganoon nalang ang pagkalumo nya ng makitang hindi ito ang binatang kanyang inaasahan.
Mula sa kinatatayuan nya ngayon ay kitang kita nya ang lalaking nakatayo sa katabi nitong sasakyan at alam nyang hindi ito ang nobyo nya.
Pinakatitigan nya ito ng mabuti ngunit masyado syang malayo rito at hindi sapat iyon para makita nya ang mukha nito. kaya naman nagpasya nalang syang bumaba.
"Kenzo?" puna nya ng makalapit.
"hey" bati naman nito.
"anong ginagawa mo rito?" nilingon nya ang sasakyan nito. "ikaw lang?"
"yeah, pinapasundo ka ni Ymar sa'kin" nakangiti nitong sabi.
napakunot naman ang noo nya. "pero pa'no mo nalaman na dito ako nakatira?"
"I have my ways Natalia" nakangiti parin nitong sabi sabay kindat. "lets go?"
Tipid na tango lang ang isinagot nya sa binata at kahit nagdadalwang isip man ay wala rin syang nagawa ng ayain sya nitong sumakay sa loob ng kotche.
Tahimik lang sila sa loob ng byahe paminsan minsan ay nagsasalita rin naman si Kenzo pero hindi nga lang sya ganu'n ka-komportable sa tuwing nagtatanong ito ng tungkol sa kanila ni Cohen.

BINABASA MO ANG
Chasing Your Heart [UNDER REVISIONS]
RomanceWhen Natalia Santiago fell in love with Cohen Montenero, would she admmit her change of feelings or will she forever keep it hidden? **** Cohen Montenero is a famous welthy person. They own the whole land of Hacienda Montenero. He was known as a col...