CHAPTER 31

1.2K 23 0
                                    

CHAPTER 31

LALABAS masok si Kenzo sa sasakyan nya habang Inaantay si Natalia na makabalik. kanina pa nya hinihintay na tawagan sya nito pero hindi manlang sya nakatanggap ni isa.

Pasado alas'dyes na ng gabi at halos tatlong oras na syang naghihintay rito.

Kinuha ni Kenzo ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon at agad na idinial ang numero ng dalaga. nakailang ring na ito pero walang sumasagot.

"pick up." bulong nya habang inaantay na sagutin ni Talia ang tawag.

Dalawang beses pa nya itong tinawagan uli bago nya binaba ang telepono. Ibinulsa nya ang cellphone at napipilitang lumabas mula sa sasakyan.

Akmang lalakad na sana sya papasok sa gate ng hacienda ng biglang bumungad sa kanya si Natalia na ngayon ay matamlay na naglalakad papalapit sa gawi nya.

Agad nyang sinalubong ang dalaga at inalalayan papunta sa loob ng sasakyan.

"ako na." angal nito ng akmang susuotan na nya sana ito ng seatbelt.

Hinayaan nya ang dalaga at isnara nalang ang pinto ng frontseat umikot sya sa harapan papunta sa driver seat at agad na sumakay.

Hindi pa muna nya pinaandar ang makina ng sasakyan at tiningnan nya si Talia na ngayon ay nakasandal ang ulo sa gilid ng bintana. Malalim ang iniisip nito dahil mukhang wala man lang itong balak na kausapin sya.

"anong plano mo ngayon?" puna nya sa dalaga.

"gusto ko nang umuwi." wala sa sarili nitong sambit.

Sandali pa nyang tinitigan ang dalaga bago nya pinaandar ang makina ng sasakyan at pinaharorot iyon paalis.

TAHIMIK lang ang naging byahe nila ni Natalia hindi ito gaanong nagsasalita at masyado itong seryoso kaya hindi nalang rin nya ito kinausap.

"we're here" puna nya sa dalaga ng makarating sa tapat ng dorm nito.

napaayos naman ng upo si Talia at pinasadahan ng tingin ang labas na para bang hindi manlang nito napansin na nasa labas na sila ng dorm nito.

"salamat nga pala" pilit ngiti nitong sabi.

"are you okay?" nag-aalalang tanong nya rito. "gusto mo bang pag-usapan?"

"hindi na. ayos lang kailangan ko nang pumasok."

Lalabas na sana si Natalia pero agad nya itong pinigilan sa mga braso dahilan para lingunin sya nito.

Napatingin si Natalia sa kamay nyang nakahawak sa braso nito at ganuon din naman si Kenzo at agad agad rin nya itong binitawan sabay iwas ng tingin.

Tumikhim sya. "If you need me, andito lang ako."

Hinintay nya ang sasabihin ni Talia pero hindi manlang ito nagsalita kaya naman dahan dahan nyang tiningnan ang dalaga na ngayon ay nakatingin lang pala sa kanya.

Nagsukatan sila ng tingin pero sa huli umiwas rin si Kenzo.

"Mauna na'ko."

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon