CHAPTER 47

1.2K 33 6
                                    

CHAPTER 47

"Saan ka nanaman pupunta?" Puna ni Ymar kay Cohen na ngayon ay nakatayo sa harap nang salamin habang inaayos ang buhok.

"wag mong sasabihing itutuloy mo talaga ang plano mo?" narinig nya ang nang-iinsultong tawa ni Ymar. "is that really you? ang layo mo na sa Cohen na kilala ko ah?"

"Tigilan mo nga ako. 'wag mo sirain ang araw ko"

"bakit? panira ba'ko nang araw? gwapo ko kaya"

Napailing sya. "tsk. whatever"

"pero dre, are you serious? itutuloy mo talaga ang plano mo?"

"Eh, ano pa nga ba?"

Mula sa reflection nang salamin ay kitang kita ni Cohen ang nakaka-pang bweset na ngiti ni Ymar. Simula kasi nang banggitin nya rito ang tungkol sa plano nya ay wala na itong ginawa kundi ang asarin at pagtawanan sya. Bakit nga ba? ano namang nakakatawa sa plano nya?


"Saan ka na pupunta ngayon kung ganu'n?" pangungulit nanaman uli sa kanya ni Ymar.


"saan pa nga ba?" tiningnan nya sa salamin ang kaibigan. "ofcourse, pupuntahan ko ang future wife ko" galak nyang sambit with matching kindat pa rito.

"could you stop that? napaka cheesy mo"

Nginiwian nya ang kaibigan kahit kailan talaga ay wala na itong dala sakanya kundi puro ka-bwesitan. Kung bakit ba kasi andito 'tong lalaking 'to, dapat kasi ay nasa trabaho ito ngayon pero imbis na magtrabaho ay eto ito ngayon sa opisina nya at sinisira ang araw nya.

"Salamat sa papuri ah?" he sarcastically said.

"sure, no problem" natawa pa ito. "pupunta ka nanaman sa Hospital? eh pa'no kung wala naman du'n yung 'Future wife' mo." pang-aasar ni Ymar sakanya  at talagang pinagkadiinan pa talaga nito ang salitang 'FUTURE WIFE'


Naiinis na hinarap nya ang kaibigan. kanina pa kasi sya nito iniinis at unti unti na talagang nauubos ang pasensya nya rito. Kung pwede nga lang sanang Kumatay nang buhay baka kanina pa nya ito nagawa sa kaibigan.

"you know what? bahala ka sa buhay mo. basta ako gagawin ko ang alam kong magpapasaya sa'kin" sagot nya sabay lakad papalapit sa pinto nang opisina.

"Ika-musta mo nalang ako kay Vanessa!" pahabol pa nito bago sya makalabas nang opisina.

Napapailing na lang na naglakad paalis si Cohen, Pakunwari pa kasi itong tutol sa gusto nya pero ang totoo gusto lang rin pala nito maka-points kay Vanessa. Minsan talaga maypagka baliw 'tong kaibigan nya.

Nakangiting naglakad si Cohen papunta sa parking lot nang sasakyan, Ilang araw na nyang hindi nakikita si Natalia kaya hindi nya mapigilan ang sariling ma excite, ngayon kasi ang araw na dadalawin nya si Natalia at sigurado syang ngayong araw rin nya sasabihin ang napaka-importanteng bagay na matagal na nya dapat pang ginawa.

Alam ni Cohen na marami na silang napag-daanan ni Natalia. Pinag-tagpo sila nang tadhana pero pinag-hiwalay naman sila nang sitwasyon at ngayong muli nanamang nag-krus ang landas nila nang dalaga at hindi na nya hahayaan pang masayang ang pagkakataon na ito na matagal na nyang hinihintay.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon