CHAPTER 42

1.5K 25 9
                                    

CHAPTER 42

Yakap yakap ni Natalia ang bag habang nakatanga sa labas ng binta ng sasakyan. Isang linggo na ang nakalipas at hindi parin sya makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Cohen nung isang araw. Hindi nya tuloy maiwasang makaramdam ng pag-iinit sa pisngi sa tuwing sumasagi sa isip nya ang mga halik na pinagsaluhan nila ng binata.

"ano nanamang iniisp mo?" pukaw ni Kenzo sa atensyon nya.

"wala." pagkakaila nya,

"akala ko ba susunduin dapat kita nung isang linggo? ba't wala ka nun?"

napamulagat si Natalia. "naghintay ka?"

"Mmm...siguro mga tatlong oras?"

Napapikit nalang si Natalia sa hiya, nawala sa isip nya na susunduin nga pala sya ni Kenzo. ngayon lang naman kasi sila muli pang nagkita ng binata, dahil nagpaalam itong mamalagi muna sa mansion nila kasama ang mga magulang nito. Sana pala tinext nalang nya ito para hindi nalang ito nag-sayang nang oras kakahintay sa kanya.

"sorry kenz. may urgent kasing dumating" palusot nya.

"urgent? bakit may problema ba?"

"wala naman, marami kasing nangyari nun kaya nawala sa isip ko na susunduin mo pala ako"

"nangyari? tulad nang?" may pang-uusisa sa boses ng binata.

Napakunot ang noo ni Natalia. kakaiba kasi kung kausapin sya nito para bang may alam ito sa kung ano?   "nang-uusisa ka———"

"by the way, pinakukumusta ka nila Joceline at Kyla." pag-iiba nito sa usapan. "kaya naman pala hindi mo sila mahanap hanap eh kasi nakaalis na pala si Joceline papuntang America para duon magtrabaho bilang Pharmaceutical."

"eh si Kyla asan daw? wala narin kasi akong balita sakanya"

Biglang nagka-interes si Natalia sa sinabi ng binata, matagal tagal narin kasi simula nung huli nilang pagkikita.

"Nasa Davao ata nagbabakasyon kasama pamilya nya, kakauwi nya lang rin galing Spain"

Hindi maiwasan ni Natalia ang mapangiti sa saya. Masaya sya para sa mga kaibigan nya dahil parehas nitong natupad ang mga pangarap nila, si Joceline ay nagtapos nang pharmacists habang si Kyla naman ay isa nang flight attendant.

"masaya ako para sakanila," wala sa sariling sambit nya. "kailan mo ba sila nakausap?"

"tinawagan nila ako ay teka, may facebook ka hindi ba?"

"facebook? Oo pero, matagal ko nang hindi binubuksan 'yun kaya di ko alam kung alam ko parin yung password."

"ganu'n ba?"

"bakit?"

"wala naman pinapatanong lang nila. andito na tayo"

Ipinark ni Kenzo ang sasakyan sa harap ng hospital na pinagta-trabahuan nya kaya hindi na sya nag-atubili pang lumabas ng sasakyan at maglakad papasok ng Hospital.

Pagpasok ng pagpasok palang nya sa loob ay agad na bumungad sa kanya si Cohen na ngayon ay nakatayo sa harap ng dec habang nakangiting nakatingin sa gawi nya.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon