CHAPTER 17
"mag kwento ka na kasi!"
"Oo nga, ang daya mo talaga Talia!"
"sige na kasi, kwentohan mo na kasi kami!"
Napairap nalang si Natalia sa mga kaibigan, pa'no ba kasi kanina pa sya kinukulit ng dalawa na magkwento tungkol sa kanila ni Cohen. Nakasagap kasi sa social media ang dalawa kaya ngayon sya ang kinukompronta.
Malay ba nyang may magkakalat ng video tungkol du'n sa party nung isang gabi?
"wala nga kasi 'yun" tinatamad na puna nya sa dalawa.
sumimangot naman ang mukha ni Kyla. "ang daya ah? magkwento ka nalang kasi! damot naman neto"
"tch, tigilan mo na nga lang 'yan si Talia. antayin mong sya mismo magkwento di 'yong pipilitin pa natin" may pagtatampo sa boses ni Joceline.
Napangiwi naman si Talia. "ang O.A hindi bagay"
"kaya nga, magkwento ka na kasi" pamimilit naman ni Joceline sa kanya.
Tiningnan nya ang dalawa at napangisi nalang sya ng makita ang mga mata ng mga kaibigan nya. desidido talaga marinig ang kwento nya kaya pati si Kyla napapa-puppy eyes pa.
Huminga ng malalim si Talia bago sya nagsimulang magkwento sa dalawa. kwenento nya ang nangyari ng gabing iyon mula sa umpisa hanggang sa pinakadulo. naro'on sa mukha ng mga kaibigan nya ang pagkainis pagdating kay Vina.
"tsk! sana pala sumama nalang ako du'n" komento ni Kyla.
"sino ba sya para tapunan ka ng wine sa mukha?! aba! porque anak mayaman sya kailangan naring manapak ng kapwa? ang kapal!" bulalas ni Joceline.
"magsitigil na nga kayo. tapos na'yun okay? wala na kayong magagawa dahil nangyari na"
"buti nalang talaga dumating si papa Cohen" kinikilig pang sambit ni Kyla. "nakooo! ang swerte mo talaga sa pag-ibig Talia! nakabingwit ka na naka-jockpot ka pa!"
"tumigil ka nga" suway ni Joceline sa kaibigan.
Napapailing iling nalang napangisi si Talia. nasa ganuon lang silang sitwasyon ng biglang umalingawngaw ang tunog ng cellphone sa loob ng silid.
"oh, may tumatawag ata" puna ni Jocelyn.
"hindi akin 'yun" ani Kyla.
Hinanap ni Talia ang telepono at natagpuan nya ito sa tabi ng unan nya at napagtanto nyang telepono pala nya ang tumutunog.
Inabot nya ito. masayang sinagot ni Talia ang tawag ng makita nyang mag flash sa screen ang pangalan ng kanyang Ina.
"Nay!" masayang puna nya sa kabilang linya. "Napatawag ka po?"
"Anak, ang papa mo" umiiyak ang boses ng ginang sa kabilang linya.
Nagsimula ng kabahan si Talia. "anong nangyari kay papa?" nanginginig ang boses nya.
"w-wala na ang papa mo"

BINABASA MO ANG
Chasing Your Heart [UNDER REVISIONS]
RomanceWhen Natalia Santiago fell in love with Cohen Montenero, would she admmit her change of feelings or will she forever keep it hidden? **** Cohen Montenero is a famous welthy person. They own the whole land of Hacienda Montenero. He was known as a col...