EPILOGUE

1.6K 37 2
                                    

EPILOGUE

ETO ang isa sa pinaka-masayang araw sa buhay ni Natalia ang makasama ang mga taong mahahalaga sa buhay nya, mula sa malalapit na kaibigan, kamag-anak at iba pang mga taong naging malapit sa kanilang dalawa ni Cohen.

Masaya sya na sa wakas ay matapos ang ilang taong nakaraan ay muli silang nakapag-tipon tipon bilang isang buong pamilya. Kahit alam nyang bussy na ang mga ito sa mga kanya kanyang buhay ay nagawa parin ng mga itong makadalo sa isang simpleng handaan na hinandog nilang dalawa ni Cohen para sa dalawang anak nila.

"ang swerte mo naman sa mga anak at asawa mo"

Napaigtad si Natalia at nilingon ang nagsalita. lumukod naman ang ngiti nya ng makitang si Vanessa pala ito kasama sina Jocelyn at Kyla na ngayon ay gandang ganda sa mga suot nitong swim suites.

"ay tumpak ka dyan, tingnan mo naman kasi oh gwapo, mayaman, mabait, mapagmahal na ama at asawa, gentelmen, at higit sa lahat may abs!" si Kyla.

"Mm tumpak! idagdag mo pa ang mga cute nating inaanak. ang ga-gwapo't ang gaganda"

Napailing si Natalia habang matamis ang mga ngiti sa labi. should she say thankyou dahil sa mga papuri ng mga ito? mukhang masyado atang nawiwili ang tatlong 'to kakapuri sa buhay na meron sya kaya hanggang ngayon ay wala parin itong mga jowa.

"wala ka manlang sasabihin?" puna ni Vanessa sakanya ng hindi man lang sya umimik.

"why? should I say thankyou? eh 'di nyo nga ako pinuri"

Natawa si Vanessa. "ang OA naman neto"

"porke nakabingwit ka nang all in one?"

"don't worry guys. makakahanap rin tayo ng all in one kagaya nung kay Natalia" pang-uuto naman ni Kyla sa dalawa.

"kayo ah, pinagtutulungan nyo na ako" may pagtatampo ang boses nya.

"uy hindi ah" tanggi naman ni Joceline. "inaaliw kalang namin kasi 'tong si Kyla tumatanda ng dalaga"

"uy bakit ako? eh si Vanessa rin naman ah?" angal naman ni Kyla.

"Tumigil nga kayo, dinadamay nyo pa ko. tara na nga maligo nalang tayo" si Vanessa.

Hindi nalang pinansin ni Natalia ang tatlong magkakaibigan nya at inabala nalang ang sariling maglinis ng mga platong pinag-kainan nila kanina. Nasa ganuong sitwasyon lamang sya ng mahagip ng mga mata nya si Cohen.

Nasa dalampasigan ito kasama ang dalawang anak nyang sampong taong gulang. Naglalaro ang mga ito sa buhangin kasama sina Jayve at Karen na anak ng Ate Bea at Ate leslie nya.

Habang pinapanuod ang mag-aama nya mula sa di kalayuan ay wala sa sariling napangiti si Natalia. Cohen is so sweet, not just with her but also with their twins Kaira and Kaiden.

"Mommy!!!" sigaw ni Kaiden habang masayang kumakaway sa kanya.

Kinawayan naman nya pabalik ang anak at nginitian, nag-flying kiss pa nga sya rito.

May pagka-hawig ang itsura ni Kaiden sa ama, nakuha kasi nito ang ilong at mahabang pilok ng ama. Habang si Kaira naman ay may pagkahawig sa kanya. well, 'yun ang sabi sabi ng iba sakanya. Pero minsan iniisip nya pa'no naman nya naging kamukha si Kaira eh ibang iba nga ang itsura nito sakanya.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon