CHAPTER 1

5.7K 86 2
                                    

CHAPTER 1


Kinakabahan si Natalia habang nakatingin sa manager na kaharap niya ngayon. Hindi niya mapigilang lamigan ng pawis dahil sa nerbyos.

"Taga saan ka nga Ija?" Tanong nito sa kanya.

Pinilit naman niya ang sarili na pakalmahin at nakangiting hinarap ang kausap, "Taga Negros po sir," magalang pang aniya rito.

"Kaya mo ba talagang gawin ang trabaho? dederetsuhin na kita, body gaurd ang hanap nila at hindi katulong kaya dapat doble ang effort mo kapag gano'n."

"Okay lang po kayang kaya ko naman po 'yan," Galak na sagot niya.

Sandali pang nakatingin ang lalaki sa mga papers na pinasa niya bago ito tumingin sa gawi niya, "Okay. Tanggap ka na—"

Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ng lalake. She has been waiting on this opportunity and she never expected na matatanggap siya. Ngayong opisyal na nga siyang magkakatrabaho hindi na niya 'to papalampasin pa.

She stood up and face the man infront. Inabotan nya ito ng kamay at nakipag shake hands rito, "Salamat po! maraming salamat po!"

The man smiled at her, "Congrats Ija, pwede ka ng magsimula bukas." May kinuha ito sandali sa drawer ng table at inabot sa kanya, "Eto, 'yan ang adress ng bahay nila. Tawagan mo nalang kaagad ang agency kapag nakarating kana ro'n okay?"

"Sige po, Salamat po talaga!" Sabi niya, sabay abot ng papel na hawak ng matanda.

Matapos ang pag-uusap nila nagpasya si Talia na umuwi muna sa Dorm. Gusto niya kasing ibalita sa mga kaibigan na natanggap na siya sa trabaho. Wala pang kaalam-alam ang mga ito na nag-apply siya ng trabaho sa agency kaya t'yak siyang matutuwa ang mga 'yon.

Laking Negros si Natalia at pang lima siya sa kanilang anim na magkakapatid at dahil sa hirap ng buhay pinili niyang malayo sa pamilya niya para lang makipag sapalaran dito sa Maynila.

"Hacienda Montenero." Pagkakabasa niya sa papel na binigay ng manager kanina. Hindi niya tuloy mapigilang ma-excite.

Alam niyang kilala ang mga pamilya ng Montenero sa buong lungsod ng Maynila. They were known as the most famous and well-heeled family in the entire City. Bukod kasi sa haciendang mayro'n sila ay kalahati ng lupain sa bacolod ay pagmamay-ari rin ng pamilya nila kaya naman nakakamangha, dahil sa wakas ay makikilala na niya ang isa sa mga mayayamang pamilya dito sa lungsod.

Nagpapasalamat talaga siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-trabaho sa pamilya ng mga Montenero. Maraming nangangarap na makapasok sa Hacienda nila, maraming sumubok pero iilan lang din sa kanila ang natanggga at napaka-swerte niya dahil isa na siya doon.

Pinihit ni Talia ang pintuan pagkatapos ay nagkunwari siyang bagsak ang balikat nang makapasok.

"Talia? Anong nangyari?" Bungad ni Joceline, ang isa sa mga ka-room mate niya.

Hindi siya sumagot at naglakad lang papunta sa kama niya. Umupo siya sa dulo ng kama at ganun rin ang ginawa ni Joceline. Lumapit narin si Kyla sa gawi, Isa rin sa mga kaibigan niya at kasamahan sa dorm.

"Ano? ba't ayaw mo magsalita?" Puna uli ni Joceline.

"May problema ka ba Natalia?" Tanong naman ni kyla.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon