CHAPTER 3

2.1K 53 2
                                    

CHAPTER 3

Hindi alam ni Talia kung matatawa ba sya o maaawa sa mukha ni Cohen na ngayon ay nakabusangot habang nakatingin sa niluto nyang Broccoli para rito.

"Didn't I tell you that I don't eat this kind of food right?" tanong nito sa kanya.

tumango naman sya habang may sinusupil na ngiti sa mga labi. "kainin mo nalang kasi, utos 'yan ng mama mo" pagsisinungaling pa nya.

nakakunot ang nuo ng binata habang nakatitig sa plato na nakahain sa mesa. "why do you eat this kind of food? it was like a twin of grass"

Napairap nalang si Talia. bakit ba napakaarte ng lalaking 'to? kakainin lang naman nya ang gulay at lulunukin. pero parang pati iyan problema na para sa binatilyo.

"Fuck." Cohen cursed and confronted her. "I dont want to eat this."

pinagtaasan nya ng kilay ang binata. "kakainin mo 'yan mung hindi isusumbong kita sa mama mo" pananakot pa nya.

Nakita naman nya ang biglaang pagbago sa mukha ng binata. biglang nawala ang nakabusangot nitong mukha.

Hindi naman talaga ito inutos ni Doña Emelia sa kanya. ang totoo gusto lang naman nyang makita kung paano kumain ang isang Cohen Montenero ng mga ganitong pagkain.

Sa nakita kasi nya kagabi ay mukhang hindi talaga ito ang nakasanayan nitong kainin. kaya naisipan nyang sanayin ito sa pagkain ng gulay.

Alam ni Talia na hindi sya magagawang sisantihin ni Cohen dahil bukod sa hindi ito ang nag hired sa kanya ay wala rin itong karapatang magdesisyon dahil ito ang utos ng ina nya.

So Talia was comfortable to annoy this young man.

Sandali pang nakatitig sa kanya si Cohen bago ito dahan dahang sumubo sa pagkain. pero bago ito makasubo bigla nalang itong nagsalita.

"what's this?" tanong nito habang nandidiring nakatingin sa kutsara na naglalaman ng Broccoli.

nag-anagat ito ng tingin sa kanya. "why does it look like a bermuda grass? you don't eat it do you?" maarteng tanong pa nito.

nginiwian naman nya ang binata. "tch! kainin mo nalang kasi. hindi 'yan bermuda broccoli ang tawag dyan" naiinis na sambit pa nya.

Nakangiwing sinubo ni Cohen ang kutsara at halos matawa si Talia sa mukha ng binata. nagmistula kasi itong kengkoy sa paningin nya.

Hindi na nya napigilan ang sarili at bigla nalang syang humagalpak sa pagtawa. dahilan para taliman sya ng tingin ng binata.

"Verry funny huh?" Cohen said sarcastically.

"kumain ka pa" pigil tawang sabi nya pa rito.

"whatever." bumalik ang tingin nito sa plato. "what is this again?"

Tiningnan nya ang tinutukoy ng binata. "Ampalaya 'yan. masarap 'yan kainin mo" pigil nya ang sarili na hindi matawa.

Ano kayang magiging itsura nito kapag nakain na nito ang ampalaya? Mmmm..Its sounds fun anang bahagi ng isip nya. kaya lihim nalang syang napangiti.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon