CHAPTER 16

1.6K 37 0
                                    

CHAPTER 16

Nagising si Cohen sa maingay na tunog ng cellphone nya. dahan dahan nyang binuksan ang mga mata at napangiti sya ng bumungad kaagad sa kanya ang maamong mukha ni Natalia na ngayon ay mahimbing pang natutulog.

"Goodmorning" malambing nyang sabi sabay halik sa nobya.

Nilingon ni Cohen ang side table na nasa kabilang gilid nya at inabot ang telepono nya, Isang malalim na buntong hininga ang inilabas nya ng makita ang pangalan ng mommy nya sa screen ng cellphone.

Tiningnan pa muna nya ang nobya bago sya tumayo at nagtungo ng banyo para sagutin ang tawag ng Ina.

"mom, what's makes you call this early?" gagad nya kaagad sa Ina.

"what happend? anong pumasok d'yan sa kokote mo at gumawa ka pa talaga ng eksena sa party ng mga Villaruel?" galit kaagad na puna nito sa kanya.

Alam na ni Cohen na mangyayari 'to. maraming kakilala ang Ina kaya hindi imposible na hindi ito makarating sa kanya lalo pa't maraming tao rin ang nakasaksi kagabi sa kanila.

Huminga ng malalim si Cohen bago uli sinagot ang Ina. "nakarating na pala sayo" walang ganang sabi nya.

"ano bang pinaggagawa mo Cohen! nagkakaganyan ka ba because on that stupid girl?!"

Napakuyom ang kamao ni Cohen dahil sa narinig nyang panlalait ng Ina. pinakalma nya ang sarili bago ito uli kinausap.

"I don't have time about this. kailangan ko pang maligo may pasok ako sa opisina—"

"may relasyon ba ka'yo ng babaeng 'yun Cohen?"

Natigilan si Cohen, alam na nyang nuon paman ay prangka na kung magsalita ang kanyang Ina.

"kung meron man? binabalaan kita, stop it. 'wag kang magdala ng kahihiyan sa pamilya natin. hindi kita pinalaki to end up on that prostitute girl!" narinig nya ang mabigat na buntong hininga ng Ina sa kabilang linya.

"you better fix you mess, Mr. Villaruel will arrived from Vietnam this afternoon at gusto kong sunduin mo sya sa airport. Invite him in lunch. do you understand me?"

"I'll  gotta go"

Pinutol na ni Cohen ang tawag at wala sa sariling binato ang cellphone sa sink, napasapo sya sa noo at bahagyang napatingala sa kisame dahil sa frustration.

Lumaki si Cohen ng sinusunod ang mga utos ng Ina. simula ng iwanan sila ng kanyang Ama ay nag-iba na ang ugali nito. naging mas strikto ito sa kanya, hindi na rin muli pang nakita ni Cohen ang Ina na ngumiti o tumawa man lang. ginagad rin nito ang oras sa pagtatrabaho kaya lumaki si Cohen na parang mag-isa sa buhay at walang katunggali.

Kaya ng makilala nya si Natalia ay talagang nag-iba ang mundo nya, marahil dahil ay ito lamang ang nagparamdam sa kanya na hindi sya nag-iisa kung kaya't nahulog ang loob nya sa dalaga.

Tiningnan ni Cohen ang sariling repleksyon sa salamin bago sya nagpasyang lumabas.

Naglakad sya papalapit sa gawi ng nobya at umupo sa bandang gilid nito, pinakatitigan nya ang maamong mukha nito.

"I hope we can escape this painful reality" wala sa sariling bulalas nya.

Hinaplos nya ang mukha ng dalaga bago nya ito hinalikan sa noo at ng matapos ay nagpasya na syang tumayo at magtutungo na sana ng banyo ng may sumagi sa isipan nya.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon