CHAPTER 49

1.4K 34 4
                                    

CHAPTER 49

"sigurado ka na ba talaga dyan sa desisyon mo ha Natalia? 'di na ba talaga magbabago 'yang isip mo?" sambit ni Vanessa mula sa kabilang linya.

Napapailing nalang si Natalia habang pinapakinggan ang boses nang kaibigan mula sa kabilang linya. Hindi na nya kasi mabilang kung pang-ilang beses na itong nag-tatanong tungkol sa pag-alis nya, gusto na nga lang nyang matawa dahil simula nang sabihin nya dito ang desisyong pag-alis ay wala na itong ibang bukang bibig kundi ang pa-ulit ulit nitong mga tanong sakanya gaya nang,

'aalis ka na ba talaga?'

'sigurado ka na talaga dyan?'

'aalis ka talaga? totoo ba talaga 'yan?"

Nabibingi na nga sya eh. kaso makulit lang talaga si Vanessa.

Alam nyang umpisa palang ay tutol na ito sa pag-alis nya, alam nya ring ito ang nag-sabi kay Cohen tungkol sa pag-bubuntis nya at inaamin nya, nung una medyo nakaramdam sya nang galit para sa kaibigan but she realize, Vanessa didn't do wrong. alam nyang concern lang sa kanya si Vanessa kaya nito nagawang ilaglag sya.

"ang daya mo naman eh!" rinig nyang sambit muli ni Vanessa.

Nilingon nya ang kinalalagyan nang telepono at napapangiti nalang habang hinahanda ang mga gamit na dadalhin nya. Medyo malayo kasi sakanya ang kinalalagyan nang cellphone dahil nakalapag iyon sa ibabaw nang side table ng kama habang sya naman ay nasa dulo nang kama at nag-eempake ng mga ibang gamit.

Buti na nga lang at naka loudspeaker ang cellphone nya kaya kahit papaano ay malinaw nya paring naririnig ang mga sinasabi ni Vanessa mula sa kabilang linya.

"ako pa talaga madaya ah? hindi mo nga ako sinipot rito eh, hindi mo ba talaga ako ihahatid kahit sa labas ng airport man lang?" may pag-tatampo ang boses nya habang kinakausap si Vanessa.

Ngayon na kasi ang araw nang pag-alis nya pero, etong si Vanessa ay hindi man lang sya naisipang ihatid o samahan man lang sa labas ng airport, ni hindi na nga ito nag pakita sakanya simula kahapon kaya medyo nag-tatampo tuloy sya.

"eh. Natalia pasensya ka na, medyo marami lang kasi talaga akong ginagawa ngayon. alam mo naman hindi ba? hindi kaya madali maging Psychiatrist, sa dami nga ng appointment ko ngayon halos napapabayaan ko na pati pagkain ko kaya pasyensya ka na talaga ha?"

Bumuntong hininga si Natalia. gustuhin man nyang magtampo kay Vanessa ay hindi nya parin magawa, hindi kaya nang konsensya nya at isa pa kahit papaano naiintindihan nya rin ito dahil kagaya nya isa rin syang doctor at kung may isang tao man na nakaka-intindi sa sitwasyon nito ngayon ay walang iba kundi sya.

"hey. are you still there?" pukaw atensyon nito sakanya.

"Yeah"

"are you mad at me?" may pag-aalala sa boses nang kaibigan nya.

"hindi ah, tayaka ba't naman ako magagalit sayo? eh naiintindihan naman kita. Doctor rin ako kaya alam ko kung anong pakiramdam ng walang bakanteng avail schedule"

"talaga? 'di ka nag-tatampo sakin?"

binalingan nya ng tingin ang kinalalagyan ng telepono na para bang kaharap nya ruon ang kausap nya. "hindi. hindi talaga"

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon