CHAPTER 43
"Sigurado ka ba dyan Talia?""Oo, di na kailangan"
"anong hindi? itsura mo pa nga oh?"
"hayaan mo na ayos lang naman ako eh"
"tsk, ewan ko sayo."
Napapailing-iling nalang si Natalia sa kaibigan, kanina pa kasi sila nagtatalong dalawa dahil pinipilit kasi nitong dalhin sya sa hospital kesyo nga malala na daw kalagayan nya.
Dalawang araw na rin kasi syang hindi pumapasok sa trabaho dahil sa nararamdaman nya kaya siguro ganu'n nalang ang pag-aalala ni Vanessa at talagang umabsent pa talaga ito para lang may kasama sya sa bahay.
"magpakunsulta ka nalang kasi!" pangungulit nito uli sa kanya. "tingnan mo nga putlang putla ka na! tyaka meron bang okay na nananamlay?"
"Vanessa wala nga 'to" inirapan nya ang kaibigan sabay tayo at nagtungo sa side table para kunin ang susi ng sasakyan nya.
"Oh? saan ka nanaman pupunta?"
"nagugutom ako tara kain tayo."
Hindi na nya inanatay pang makapagsalita ang kaibigan at pinangunahan nalang nya ito. naglakad sya palabas at agad na nagtungo sa sasakyan nya. sumunod naman din kaagad ang kaibigan nya kaya ng makasakay na silang pareho ay dahan dahang inilabas ni Natalia ang sasakyan sa garahe pagkatapos ay pinaharorot iyon papaalis.
Habang nasa byahe ay panay ang sermon sa kanya ni Vanessa pero imbis na patahimikin ito ay hindi nalang nya pinansin ang kaibigan at inabala nalang nya ang sarili sa pagmamaneho.
Hininto ni Natalia ang sasakyan sa harap ng isang restaurant. hindi nya alam pero nang makita nya ang labas ng restaurant ay bigla syang nakaramdam ng gutom. mabuti na nga lang kahapon pa kasi syang hindi nagugutom dahil namimili nanaman sikmura nya ay ewan! baka talaga wala lang syang gana.
"Dito ka lang ako na bababa" ani Vanessa.
"Sigurado ka?"
"Oo. ano ba gusto mo?"
Sandali pa nyang pinakiramdaman ang sarili bago nya sinagot ang tanong ng kaibigan.
"Carbonara gusto ko 'yung Carbonara."
"kailan mo pa nagustuhan ang Carbonara? akala ko ba ayaw mo lasa nun?"
"ah ewan! basta gusto ko 'yun."
"tsk." singhal ni Vanessa bago ito lumabas ng sasakyan.
Sinandal ni Natalia ang likod sa inuupuan at kinuha ang cellphone na nasa gilid ng dashboard pagkatapos ay kinontact si Kenzo. Kagabi pa kasi ito tumatawag at hindi nya manlang nasagot ang tawag nito sakanya masyado kasing masama ang pakiramdam nya kagabi kaya tinamad syang sagutin ang tawag ng binata.
Natalia supposedly to press kenzo's name in the screen when suddenly she saw Cohen's name pop up in her massages. Tiningnan nya ang massage at nung isang araw pa pala ito at ngayon lang nya napansin.
From: Cohen
11: 30am
Hey. pumunta ako sa hospital
pero wala ka dun. sabi nang
kaibigan mo umabsent ka raw?
are you okay?
BINABASA MO ANG
Chasing Your Heart [UNDER REVISIONS]
RomanceWhen Natalia Santiago fell in love with Cohen Montenero, would she admmit her change of feelings or will she forever keep it hidden? **** Cohen Montenero is a famous welthy person. They own the whole land of Hacienda Montenero. He was known as a col...