CHAPTER 30

1.2K 35 0
                                    

CHAPTER 30

Hindi mapakali si Cohen kakahintay kay Natalia, mahigit dalawang oras na syang naghihintay rito pero hindi parin nya nakikitang dumating ang dalaga.

Gusto nya sanang tawagan si Kenzo para tanongin ito pero hindi naman nya alam kung papa'no. wala syang cellphone na magagamit kaya wala syang magagawa kundi ang maghintay.

Makalipas ang ilang oras pasado alas'syete na ng gabi pero ni anino ng nobya ay hindi manlang nya nakita. Nakaramdam ng panlulumo si Cohen akala kasi talaga nya ay darating ito kaya imbis na tumunganga sa isang tabi ay nagpasya nalang syang lumakad pauwi.

Kinumbinsi nalang nya ang sarili na baka nagkaproblema lang sa Entrance ng gate kaya hindi ito nakapunta.

Bagsak ang balikat na naglakad papauwi si Cohen, nakayuko lang syang naglalakad ng biglang mapansin nya ang pamilyar na sapatos na nasa harap nya.

Agad syang nag-angat ng tingin at bumungad sa kanya si Natalia dahilan para mapangiti sya. Nakatayo ito sa harap nya at mukhang inaasahan na talaga nito ang pagdating nya dahil hindi manlang ito nagkaro'n ng reaksyon ng makita sya.

"your late. Ive been waiting for you an hour." bungad nya sa dalaga.

ngumiti naman ito ng tipid. "tara."

Hindi na sya umimik pa ng abutin nito ang kamay nya at pinagsalikop ang mga iyon. gusto nya sanang magtampo rito pero hindi nya ginawa ayos na sa kanya ang makita at makasama ulit ang taong mahal nya.

Naglakad sila pabalik sa Bakanteng lote, hindi naman gaanong kadilim ang paligid kaya madali lang para sa kanila ang makita ang nilalakaran.

"si Kenzo 'di mo kasama?" basag nya sa katahimikan.

"nasa labas sya. tatawagan ko nalang sya mamaya"

"edi mabuti kung ganu'n." Nahagip ng mata nya ang paper bag na hawak ni Talia. "what's that?"

"pagkain." tipid ngiting sabi nito.

"wow, is that why you're late?"

"Hindi. trafic lang"

Pinasadahan nya ng tingin ang dalaga at maya-maya'y hinarap ito dahilan para mapatigil ito sa paglalakad.

Hinawakan nya ang magkabilang balikat nito at pinakatitigang mabuti ang buong anggulo ng mukha.

"bakit?" tanong ni Talia.

"you look so pale, okay ka lang ba?"

Nag-iwas ng tingin ang dalaga. "okay lang."

"are you sure?" mas tinitigan pa nya ito. "mukha ka kasing nanamlay"

"Okay lang ako. alam mo gutom lang 'yan kumain nalang tayo binilhan kita ng sisig" masayang anito sakanya.

Sandali pa nyang tiningnan ang dalaga at ng makumbinsi nya ang sarili ay agad rin silang nagpatuloy sa paglalakad.

"Upo ka dito." aya ni Talia sa kanya,

Sinunod naman nya ang utos nito at umupo sa katabi nitong inuupuang damo na malapit sa malaking puno.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon