CHAPTER 4

2K 51 0
                                    

CHAPTER 4

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Talia ng makababa sila ng sasakyan.

Hinintay ni Talia ang sagot ng binata pero imbis na sagutin ang tanong nya naglakad lang ito patungo sa loob ng malaking gusali.

Napangiwi nalang si Talia, hindi man lang sya pinansin o nilingon man lang ng binata. napapisip tuloy sya kung galit pa ba'to sa kanya dahil sa nangyari kanina.

Nabanggit kasi sa kanya kanina ng Pinsan nitong si Liza na kaya ganu'n kasungit ang binata ay dahil sa may pinagdadaanan ito. pero hindi naman nya alam kung ano.

Sinundan ni Talia ang binata sa paglalakad at halos ata lahat ng empleyado nitong babae ay natatakot bumati manlang sa kanya.

Huminto sila sa harap ng Elevator ang akala nya papasok na ang binaga pero nakatayo lang ito sa harap na tila ba may hinihintay na kung ano.

Tumikhim sya para makuha ang atensyon nito pero hindi manlang ito nagpatinag.

"baka gusto mong pumasok?" pinilit nyang hindi magtunog sarkastiko ang pananalita pero bigo sya.

bahagya syang nilingon ng binata at sininyasan na buksan ang Elevator. nginiwian nya ito bago sinunod ang utos. pati ba naman sa pagbubukas ng Elevator ay trabaho nya rin?

Pagbukas ng Elevator kaagad na pumasok ang binata kaya sumunod narin sya. maging sa pag-press ng button ay sya ang gumawa.

Habang nasa loob sila ng Elevator hindi nya mapigilang hindi mapatingin sa binata. palagi nalang kasi itong nakasimangot at hindi manlang nya nakita na ngumiti o tumawa man lang. ganu'n ba kalaki ang pinsala ng problema sa buhay nito?

Bumakas ang Elevator at kaagad na nanguna si Cohen palabas. sumunod naman sya uli rito at huminto sa malaking pintuan na sa palagay nya ay ang opisina nang Binata.

Pinagbuksan nya ito ng pinto at nang makapasok na ito ay sumunod naman sya. Pagpasok palang nila, bumungad na kaagad sa kanila ang babae na mukhang sekretarya nito dahil sa suot at bitbit nitong mga papeles.

"what happend?" puna ni Cohen sa kanya. "I tought are sales invoice was over this year? then now you tell me you have a problem? Didn't I order you to print the copy for me?"

"S-sir k-kasi po medyo bumaba po ang sales natin this year...t-tyaka yung copy po ipi-print ko pa po." nakayukong sagot nung sekretarya. Bakas sa boses nito ang takot para sa binata

Napahimas sa sentido si Cohen at bahagya pang napatingala sa kisame. hinarap nya uli ang kausap.

"I told you to brought me the copy as soon as posible! then now sasabihin mo saking ipi-print mo pa! bobo ka ba?!"

Napaangat naman ang balikat ni Talia ng dahil sa pagsigaw ni Cohen. Naalarma sya at kaagad na nilapitan ang sekretarya nito.

"do not interfere with it." nakatiim bagang na turan ng binata sa kanya.

hindi nya ito pinsansin at binalik lang ang tingin sa sekretarya nito. akmang hahawakan na sana nya ang balikat nito pero bigla nalang may pumigil nun sa palapulsuhan nya.

"I said 'wag kang makialam!" galit na turan nito.

Imbis na sundin ang utos nito ay hindi nya lang ito pinansin sa halip ay binawi nya ang kamay mula sa binata at binalik uli ang atensyon sa sekretarya na ngayon ay nakayuko parin.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon