CHAPTER 38
Hawak hawak ni Talia ang sentido habang binabasa ang kaso ng pasyente ni Vanessa ang Co-Doctor nya, kanina pa nya iniintindi ang mga nakasulat sa papel at iisa lang naman ang nakikita nyang resulta sa mga nababasa nyang sintomas."Posible kayang Schizophrenia ang sakit nya?" ani Talia habang sinusuri parin ang nakasulat sa papel.
"Schizophrenia?"
"yes. ang pagkakaroon kasi ng delusions, hallucinations, emotional expressions at personality issues ay isa sa mga symptoms na makikita mo sa Schizophrenia Disorder."
"Mmm...kaya pala.." tatango tango namang sabi ni Vanessa. "alam mo bakit hindi ka nalang naging Psychiatrist Doctor?"
Binalik pa muna ni Talia ang Papel na hawak nya bago nya sinagot ang tanong ni Vanessa sa kanya.
"wala akong balak na maging Psychiatrist Doctor at isa pa gusto ko ang trabaho ko, hindi naman masama ang maging isang surgeon doctor——"
"suggestion lang naman te! base kase sa mga nakikita kong kakayahan mo di malayong maging Psychiatrist Doctor ka, malay mo diba."
Inirapan ni Talia ang kaibigan. palagi nalang sya nitong pinupuri sa tuwing may nakikita itong magandang improve sa kakayahan nya, pero yun nga lang sa tuwing pinupuri sya nito hindi talaga nawawala ang pang-iin-encourage nito na maging isa sya sa mga Psychiatrist Doctor.
"Tigilan mo na nga" suway nya sa kaibigan.
"totoo nga." pangungulit pa nito. "by the way, bakit ka nga pala nawala sa bar kagabi? di mo tuloy nakita 'yung bago kong pasyente."
"bagong pasyente?"
"Oo di ko nga lang alam kong pupunta 'yun may sapak rin kasi kaya ayun binigyan ko na ng card ng hospital natin."
Napatawa si Natalia. "baliw."
"hindi mo ba itatanong kung anong klaseng sapak meron sya?"
"ano?"
"anxiety daw. pero duda ko hindi eh"
"pa'no mo naman nasabi?"
"ah! basta duda ko lang naman." tumayo ito at kinuha ang papel na nakalapag sa mesa. "Oh sya, mauna na muna ako puntahan kita uli mamaya"
"sege" nakangiting sagot nya.
Isang malalim na buntong hininga ang Inilabas ni Natalia. isinandal nya ang likod sa swivel chair at inihilig ang ulo pataas dahilan para mapatingala sya sa ibabaw ng kisame.
Nasa ganuon lamang syang sitwasyon ng biglang tumunog ang cellphone nya, kinuha nya iyon sa bulsa ng white apron nya at agad na binuksan ang massage ng makita ang pangalan ni Kenzo sa screen.
From: Kenz
Papunta na'ko dyan, antayin
nalang muna kita sa labas
text me if ever na tanggap
mo 'tong text.Sandali pang napatitig si Talia sa screen ng phone nya bago nya ibinulsa pabalik ang cellphone. Hindi na nya kailangan pang replyan si Kenzo dahil alam naman nitong nasa trabaho pa sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/247533616-288-k750266.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Your Heart [UNDER REVISIONS]
RomanceWhen Natalia Santiago fell in love with Cohen Montenero, would she admmit her change of feelings or will she forever keep it hidden? **** Cohen Montenero is a famous welthy person. They own the whole land of Hacienda Montenero. He was known as a col...