CHAPTER 39

1.2K 28 1
                                    

CHAPTER 39

NAKATULALA lang si Natalia habang nakatingala sa ibabaw ng kisame, pasado alas'dies na ng gabi at hindi parin nag poproseso sa utak nya ang mga nakita kani-kanina lang. hindi nya maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng hospital na pwede nitong puntahan ay ang hospital pa talaga na pinagtatrabahuan nya. sadya ba talagang mapaglaro ang tadhana? o sadyang maliit lang talaga ang mundo nila?

Pumihit si Talia sa kanan at huminga ng malalim.   hindi nya alam kung hanggang kailan nya iiwasan ang nakaraan pero isa lang ang sigurado sya, hindi nya pa kayang harapin ang binata. wala syang mukhang maihaharap rito, marahil kasi para sa kanya ay kinasusuklaman sya ng binata dahil sa pang-iiwan nya rito ng wala man lang matinong dahilan.

Hindi nya tuloy maiwasang mapatanong sa sarili kung talaga bang tama ang ginawa nyang desisyon nya nuon? tama ba na iniwan nya ang taong mahal nya?

Hindi maipagkakaila ni Talia sa sarili na mahal parin nya ang binata. sa loob ng mga nagdaang ni minsan ay hindi nawala sa isip nya ang binata at ngayong nakita na nya ito uli nagtatalo na naman ang puso at isip nya.

Hindi na muli pang nag-isip si Natalia.  pinikit nya ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog.

KINAUMAGAHAN nagising si Natalia dahil sa ingay ng cellphone nya. napipilitang kinuha nya ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at pikit matang sinagot ang tawag.

"kakagising mo lang?" boses ni Kenzo mula sa kabilang linya.

"Mmm...what makes you call?"

"I'm on my way there."

"saan?" pikit mata paring tanong nya.

"susunduin kita."

"why?"

"hindi ba may trabaho ka ngayon?"

"Mmm...and?"

"kaya nga susunduin kita"

"SHIT!!!"

Agad na napadilat si Natalia at wala sa sariling napabangon sa pagkakahiga. tiningnan nya ang oras sa alarm clock nya at ganuon nalang ang pagkagulat nya ng makitang pasado alas'siete na pala!

Mabilis na tumakbo si Natalia papunta sa loob ng banyo. Hindi na sya nag-abala ng oras pa at sinimulan na kaagad nyang maligo. halos ilang minuto lang ang tinagal nya sa loob ng banyo at pagkatapos ay lumabas narin sya para makapag-ayos at makapag-bihis.

May ilang minuto rin bago sya natapos sa pag-aayos. Kinuha na nya ang mga gamit at hindi na nag-abala pa na kumain ng umagahan. pagkalabas ni Talia ay hindi na sya nagulat pa ng makita si Kenzo na nakapariking sa labas ng bahay nya at inaantay sya.

"bilisan mo late na'ko." nagmamadaling sabi nya.

"tsk. sakay" natatawang anito.

Pinagbuksan sya ni Kenzo ng pinto sa frontseat kaya madali lang syang nakapasok sa loob. sumunod narin ang binata sa kanya at agad na pinaharorot ang sasakyan papaalis.

"tinanghali ka ata ng gising?" bahagya pang natawa si Kenzo. "it's not like you huh?"

"shut up." nakangiwing aniya.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon