WAKAS

86 7 7
                                    

[Wakas ft. Atin ang Mundo by the juans]

"Mas maganda siguro kapag doon natin pinuwesto 'yung living room." Tinuro ni Ellie ang lugar sa isang malawak na espasyo ng bahay na pinagapagawa nila. 

"Okay love," sagot ni Jayzer at nagpa-cute lang ito.

"Come on! Puro ka na lang okay eh," reklamo ng kanyang kasintahan kaya tumawa ito dahilan para lumabas ang dimples niya.

"Okay nga lang talaga!" natatawa nitong sabi. "Huwag ka na mag-alala for sure maganda ang kalalabasan ng bahay natin. Si Engineer Calvin pa ba!" 

"I know but I just want to hear your opinion," tugon ni Ellie.

"Look, love. I think we need to go, may rehearsal pa kami sa studio."

"Ow okay sure," mabilisan nitong sagot bago pasadahan muli ang bahay na titirhan nila in the near future.

Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa nang lisanin ang lugar kung saan nila pinapatayo ang kanilang pangarap na bahay. Nagsisimula na rin silang mag-ipon para sa negosyong nais nilang ipatayo sa susunod na taon. May kanya-kanya naman na silang pinagkakakitaan pero para sa kanila, iba pa rin kapag meron silang pagkukuhaan ng pera nang magkasama.

Patuloy na naging miyembro ng banda si Jayzer. Sa lumipas na mga buwan ay muli siyang nakasama sa mga event at guesting nila pagkatapos nitong magpahinga dahil sa aksidente. Noong una, akala niya'y wala na siyang babalikan pero doon siya nagkamali, matiyagang nag-abang ang mga Regeneratics at sinorpresa pa siya nang tuluyan siyang maka-recover.

Bumalik din si Ellie sa trabaho sa Hospital at unti-onti rin naghilom ang sugat nilang mag-ama sa pagkawala ng Tita Flora niya.

"Mama? I wish you were here," sambit ng dalaga nang dalawin niya ang puntod ng kanyang tunay na ina. "Masayang masaya po ako, pero mas masaya kapag buhay pa kayo." Huminga ito nang malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. "Pero natutunan ko pong tanggapin na wala talagang perpektong pangayayari sa buhay natin. Pero para maging masaya ka, kailangang tanggapin kung nasaang sitwasyon ka at humanap ng learnings para makapag move forward sa susunod na kabanata ng buhay natin." Hinimas niya ang lapida ng ina na nakabaon sa lupa. "I hope you are proud. I love you Mama ko," bulong nito bago nagdesisyong lumisan na sa lugar.

"Happy birthday, Ellie!" sigaw ng mga kaibigan niya. Sama-sama nilang pinagdiwang ang kaarawan ng dalaga. 

Wala nang mas sasaya pa na kumpleto ang Regenerate Band, mga kaibigan, Daddy, at ang pamilya ng boyfriend niya sa espesyal na araw. 

"Happy birthday Ellie," pagbati ni Deither na isa sa mga imbitado. Nagtatrabaho na rin siya sa isang pampublikong hospital. Kasama na niyang pumunta sa lugar kung saan dinaraos ang birthday ng kanilang kaibigan sina Rizza at John na high school friends nila. Sa muling pagkakataon ay muli silang nagkasama-sama at sa mismong kaarawan pa talaga ni Ellie.

Si John ay isa ng ganap na piloto. Samantalang si Rizza naman ay isang guro sa public school sa probinsiya. 

Hindi matutumbasan ang pagkakaibigan na kahit nagkalayo na ng landas at iba-iba na ang buhay ay hindi pa rin nakakalimot.

Sa kabilang banda, mas lalong kinilala ang banda nila Jayzer. Mas nakilala sila ng mga tao lalo na ng mga kabataan. Naging abala pa nga sila sa nakalipas na Linggo dahil darating na naman ang Kalye Tune sa Valentines day. Gayunpaman, hindi nakalimutan ng limang hinahangaang lalaki na iapak ang kanilang mga paa sa lupa kahit pa marami na silang narating.

Nitong nakaraan lang ay nag-release ulit sila ng panibagong album na kinilala pati sa International Music Industry. Kung tutuusin, hindi sila makapaniwalang mangayayari ito dahil ang paniniwala nila ay nag-umpisa sila bilang isang nobody, pero ngayon sobrang taas na ng narating nila.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon