Kabanata 16

66 18 5
                                    

[Kabanata 16 ft. Hindi Tayo Pwede by the juans]

"Ah-Deither? Ano bang pag-uusapan natin?" nagtataka kong tanong matapos niya akong yayain na lumayo muna sa mga kaibigan pagkatapos kumain.

Batid kong hindi siya mapakali dahil paiba-iba ng direksyon ang kanyang paningin. Pero nang magsalita ako ay mabilis niyang binaling ang focus sa akin.

"Totoo bang nagkaaminan na kayo ni Jayzer?" tanong nito at para bang nahihiya pa siya.

"Oo," sagot ko at biglaang napangiti."Hindi nga ako makapaniwala, Deither."

Ngumiti ito at maigi akong tinitigan. Para bang ako lang ang natatanging babae sa mundo kung makatingin siya. Pero nang makita kong malungkot ang kanyang mata ay mabilis kumunot ang aking noo.

"Sigurado na ba si Jayzer sa nararamdaman niya sa'yo?" tanong nito at halatang naninigurado.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin. "Sa palagay ko oo," sagot ko.

Nang tingnan ko ulit siya ay tumango ito at tipid na ngumiti.

"So nililigawan ka na niya?"

Yumuko ako at doon nakaramdam ng lungkot. Pagkatapos kasi namin magka-aminan ay tanging titigan at ngitian na lang ang sumunod na nangyari.

Ang totoo, may gusto ako kay Jayzer pero alam kong hindi pa kami handa pumasok sa relasyon. Alam niya rin na gano'n ang nasa isip ko. Natatakot akong pasukin ang bagay na 'yun lalo pa't wala pa kami sa tamang edad.

"H-hindi Deither," sabi ko. "Nagdesisyon kaming huwag na munang maging kami," sagot ko.

"Ano lang pala ang set-up niyo?"

Ayan ang hindi ko alam!

"Ang mukha mo ay parang nag-aalinlangan pa kayo kung ano ba ang dapat ninyong gawin," dugtong nito. "Alam mo mas maganda sigurong sigurado ka."

Ngumiti ako at umiling. Alam kong nag-aalala siya pero masaya na ako sa ganito. Sa pag-amin niya alam ko na kaagad na may panghahawakan ako hanggang sa maging okay na ang lahat.

Hanggang sa pwede na kami!

"Ayos na ang ganito. Masaya naman ako tsaka malay mo bukas sure na talaga."

Malungkot na umiling ang lalaking kausap ko at tinitigan na lang ako.

"Hindi ka ba masaya para sa amin?" tanong ko.

Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking balikat.

"M-masaya ako Ellie. Ang akin lang, you deserve something that makes you certain." Ngumiti ito nang malawak ngunit hindi kasama ang kanyang mata sa kaisyahan ng kaniyang labi. "Ayaw kong nakikita kang umiiyak o nalulungkot. Gusto ko lang maging masaya ka."

Tumango ako. "Oo Deither. Ang desisyon kong ito ang siyang kasiyahan ko."

Doon natapos ang aming pag-uusap. Pagkatapos no'n ay dumiretso ako sa classroom at isang titig pa lang ni Rizza alam kong marami na itong itatanong.

At hindi nga ako nagkamali.

"Kayo na?" agad nitong tanong at ang mga mata ay parang kumikinang sa kilig at saya.

Umiling ako at ngumiti.

"Hindi," sagot ko.

"Hoy!" agad niya akong hinampas. "Sinasabi ko sa'yo Elliezabeth Mayumi ha!" Nagbago bigla ang kanyang ekspresyon.

"Bakit?" angal ko.

"Huwag kang papayag na M.U lang kayo ah? " paalala nito. "Ikaw lang ang masasaktan kung sakaling mawala ang nararamdaman niya sa'yo tapos hindi ka maka-angal dahil wala ka naman pinanghahawakan!"

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon