Kabanata 15

67 18 6
                                    

Marahan kong dinilat ang aking mga mata at nakita ang puting kisame. Hinawakan ko pa ang aking ulo dahil medyo masakit ito bago ilibot ang paningin. Tsaka ko napagtantong nasa hospital pala ako.

Kinagat ko pa ang labi at inalala ang tagpo bago ako mawalan ng malay.

Sa pagkakatanda ko sinasayaw ako ni Jayzer at may binulong siya pero hindi ko na narinig.

Natigil ako sa pag-iisip nang may gumalaw sa bandang tagiliran ko kaya naman sinulyapan ko kung sino ito.

Hindi pa rin maaalis ang kagwapuhan ni Jayzer kahit natutulog siya. Napangiti ako dahil medyo marami ang bumalik na memorya sa akin. Pero kumunot din ang noo nang sumagi sa isipan ang huli niyang sinabi bago ako magkaroon ng malay.

"Bakit hindi na lang kasi tayo, Ellie?"

Hindi ako makapaniwalang gano'n ang naging tagpo namin noon. Nagsisimula pa lang kaming magdalaga at magbinata sa mga oras na 'yun kaya sobrang nakakagulat na nagka-aminan kami. Pero hindi ko ipagkakailang nasasabik na akong maalala ng buo ang nakaraan dahil may parte sa'kin na gusto kong malaman kung anong nangyari pagkatapos namin magka-aminan.

Hinawakan ko ang dibdib at pinakiramdaman. Hanggang ngayon ay klarong-klaro sa akin kung ano ang tinitibok ng aking dibdib noon. Kung gaano kasaya ang aking puso tuwing kasama ko ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. Kung gaano ka-tindi ang desire ko na makasama siya palagi, at kung paano ito sumakit dahil lang sa simpleng pagsama niya sa ibang babae.

Pero ang nakakagulat, inamin ko na sa sariling mas matindi na ang nararamdaman ko ngayon para sa'kanya.

Tinitigan ko muli si Jayzer at dahan-dahang hinaplos ang buhok nito.

Nang maalala ko ang iba sa aking nakaraan, nakaramdam ako ng totoong saya dahil parte nga siya ng kahapon ko.

Marahan kong pinahid ang aking luha nang gumalaw ito. Hindi ko inalis ang tingin kay Jayzer hanggang imulat niya ang kanyang mga mata.

Mapupungay at halatang puyat siya. Kung tutuusin, ang stress ng mukha niya at malayo ito kumpara sa palagi niyang anyo tuwing nakikita ko siya. Wala pa siyang ligo simula kahapon at magulo ang buhok niya. Pero wala akong pakialam.

Hindi ko akalain na gustong-gusto ko pa rin siyang titigan kahit pa ganito ang itsura niya. At kung papalalimin ko, I know to myself that I can stay with him even at his worst.

"G-gisng ka na pala," malungkot na sabi nito at umayos sa pagkakaupo.

"Come here," utos ko at hinawakan ang pulso niya para makalapit sa akin.

Nagtataka man ay sinunod niya ang nais ko. At nang makalapit na siya ay marahan ko siyang niyakap.

Pero ang yakap na 'yun ang magpaparamdam kung gaano ako nangulila sa nakaraan ko, kung gaano ako nag-crave na maalala na ang lahat at ngayon, sa wakas malapit na mabuo ang puzzle na nawala sa buhay ko.

"N-naaalala na kita," bulong ko at tsaka lumabas ang isang butil ng luha sa aking mata.

Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap at malungkot akong tiningnan. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan siya pero wala namang salita ang lumalabas sa kanyang bibig.

"Hindi ka ba masaya para sa'kin?" tanong ko.

Mapait siyang ngumiti at hinawakan ang pisnge ko.

"H-hindi ko akalaing magagawa mo pa rin akong yakapin pagkatapos mong maka-alala," bigkas nito.

Umiling ako at ngumiti.

"Bakit mo ba sinasabi yan?" tanong ko. "May nagawa ka bang masama para ayawan kong yakapin ka?"

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon