Kabanata 17

80 20 7
                                    

[Kabanata 17 ft. Istorya by the juans]

Mabilis akong bumangon matapos ang ala-alang bumalik sa akin.

Agad na umalalay si Serenity at napagtantong nasa hospital na naman ako! Pinahid ko ang mga luha sa aking mata at tinitigan ang kaibigan.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko dahil naalala ko na ang lahat.

Bakit Jayzer? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?

Hindi ako tumigil sa pag-iyak kahit pa pinapakalma na ako ni Serenity. Mahigpit ang yakap niya sa akin at naiiyak na rin ito.

"Ellie?" pagmamakaawa niya.

"N-naalala ko na ang lahat," sabi ko at humihikbi sa kanyang balikat."K-kasalanan ni Jayzer 'to!"

Galit at sakit ang nararamdaman ko sa ngayon. Sa isang iglap, nagbago bigla ang tingin ko sa lalaking kasa-kasama ko nitong mga nagdaang buwan at tinulungan ako sa kinahaharap kong laban.

Si Jayzer ang dahilan kung bakit ako na-aksidente! Kung hindi ko nalamang naging sila ni Chyna hindi ako mabubunggo ng sasakyan. Dahil sa'kanya naging emosyonal ako! Dahil sa'kanya nawalan ako ng ala-ala!

Dahil sa'kanya nasira ang puso ko! Dahil sa'kanya nasaktan ako!

Hindi man naging kami, pero may commitment na nabuo sa aming dalawa kaya matatawag pa rin na cheating ang ginawa niya!

At ang mas masakit pa, tinago niya sa'kin ang bagay na 'yun sa loob ng ilang buwan.

Ang lalaking binigyan ko ng buong tiwala ay nagsinungaling sa akin!

At ngayon ko lang nalaman ang nakaraan namin kung kailan nahulog na naman ako sa patibong niya!

Kung kailan nahulog na 'ko sa'kanya.

"Ellie?Tatawag na ba ako ng doctor?" tanong ni Serenity pero marahan akong umiling.

"Hindi ko kailangan ng doctor Serenity," madiin kong sabi. "Naalala ko na ang lahat."

Bakas ang galit at pait na nararamdaman ko.

"Ang gusto ko lang ay makausap si Jayzer," sabi ko at tiningnan ang kaibigan.

Huminga ito nang malalim at tiningnan lang ako.

"Kailangan ko marinig mula sa'kanya ang lahat," dagdag ko pa.

Lumunok siya at hinaplos ang aking buhok. Tahimik niya lang akong tinitigan at kinalma ko na ang aking sarili habang muling binabalikan ang mga naalala ko.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at nakita ang isang imahe ng lalaki. Nanlaki ang mata ko at mas lalong piniga ang aking puso.

"D-deither?" tawag ko sa pangalan niya.

"Ah-oo siya 'yung tumulong sa atin kanina na madala ka rito," sabi ni Serenity. "Hindi na nga pumasok sa school 'yan eh!"

"Kilala ko siya," sabi ko.

Mabilis na lumapit si Deither nang sabihin ko ang huling salita.

"Nakakaalala ka na?" tanong nito.

"Teka! Teka! Ano?" naguguluhang tanong ni Serenity. "Magkakilala kayo?"

Tumango ako at mabilis na niyakap si Deither.

"Ang gulo!" reklamo ni Serenity kaya tinitigan ko ang kaibigan pagkatapos yakapin ang lalaking kaharap ko.

"Serenity?" tawag ko sa pangalan niya. "Ikukwento ko rin sa'yo. Pero pwede bang iwan mo muna kami? May gusto lang akong itanong sa'kanya," pagpapaumanhin at pakiusap ko.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon