Kabanata 21

45 6 1
                                    

"Anak naman sa susunod mag-ingat ka!" Sobrang halata na kinabahan si Mommy sa nangyari sa akin kanina nang marinig ko ang kanyang boses sa kabilang linya.

Nakabalik na kami sa studio at maya-maya lang ay magpapahinga na. Pero naisipan kong tumawag sa magulang ko dahil alam kong mag-aalala ang mga 'yon.

Well, tama nga ako ng hinala.

"Mommy okay na po ako," malambing kong sabi.

"Are you sure, anak? You can go home. Ipapasundo kita kay Jasper at dito ka na magpahinga," sabat ni Daddy.

"Dad, may practice pa po kami bukas. Next week na ang open gig namin," bigkas ko pa. "Trust me, I'm really fine."

Narinig ko ang mahinang paghinga ni Daddy.

"You're working hard, Jayzer and I'm proud of you because of that. But please take care of yourself," paalala nito sa akin.

"I'm sorry po kung nag-alala kayo pero ayos na po talaga ako," nakanguso kong sabi.

"Just be careful next time," sabat ni Mommy. "Kumain ka ng tama at 'wag kalimutan ang bilin ng doctor."

Napatigil ako sa sinabi niya at huminga nang malalim.

"Why? May masakit na naman ba sa'yo, anak?"

Nagulat ako dahil narinig pala ni mommy ang paghinga ko kaya dali-dali akong sumagot.

"Ah- wala po," sagot ko. I cleared my throat before I speak again. "Mommy alam niyo po ba I saw Ellie on the hospital earlier," sambit ko.

Pakiramdam ko ay nagkatinginan ang magulang ko bago magsalita si Daddy.

"Oh? What happened to her?" tanong nito.

"Wala naman po. Medical Technologist na po siya at doon siya nagtat-trabaho," masaya kong sagot.

"Hmmm. So kumusta ang pagkikita niyo?" tanong ni Mommy.

"Okay naman po. Masaya po ako dahil napatawad niya na raw po ako, " mahina kong sagot.

"Masaya ba 'yan? Eh bakit parang ang tamlay mo?" tanong ni Daddy.

"Wala lang po."

"I don't believe in you," sabat ulit ni Mommy. "You're expecting something pero hindi pwedeng mangyari." Peke itong tumawa. "I know you, anak. So spill it!"

Napailing na lang ako sa kakulitan ng nanay ko. Tsssk.

"Sila pa rin ni Deither. They're good daw eh sabi niya," honest kong sagot.

Matagal pa bago magsalita si Mommy.

"Don't be hard to yourself anak," muli nitong paalala.

"I should be happy, Mommy," peke akong ngumiti. "She's already with someone who can put joy on her heart. "

"Anak?" tawag ni Daddy.

"Anyway, I need to rest na po. I'll see you soon. Please take care. Goodnight," mabilisan kong sabi.

"Let's talk once you come home," si Daddy. "Goodnight, son. I love you "

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon