Kabanata 1

144 27 2
                                    

Isang patak pa ng luha niya at naramdaman ko na rin ang kaparehas na likidong 'yun sa aking mukha.

Bakit ba ako nadadamay sa emosyon niya?

Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid at napansin na rin ang pag-iyak ng lalaking tumutugtog ng acoustic guitar. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking puso.

Naaawa ba ako sa'kanya? O may iba pa akong dapat maramdaman?

"Ellie?" tawag sa akin ni Serenity. "Ayos ka lang?"

Mabilis kong pinahid ang kakarampot na luha sa aking mata pagkatapos ay nilingon ko ang kaibigan.

"M-masakit," tanging nasabi ko.

"Anong masakit?" tanong niya.

"Uhm...'yung kanta." Tumango-tango ako, "Masakit 'yung kanta."

Tinitigan pa niya ako para timbangin ang tunay kong emosyon. Batid kong inaalala niya ang kondisyon ko kaya ngumiti na lang ako para mapangiti siya.

"Totoo yan!" pagsang-ayon ng kaibigan. "Mapanakit nga ang bandang yan!" At napasmirk siya pagkatapos. Muli siyang tumitig sa stage at tipid na napangiti nang makita niya ang pagpikit ni Japhet habang dinadama rin ang kinakanta.

"Ah-Serenity?" Hindi ko na napigilan pang magtanong. Muli siyang tumitig sa akin habang ang ngiti ay hindi pa rin nawawala, "S-sino ang lalaking yan?" Tinuro ko ang tumutugtog ng gitara sa entablado.

Nakita niya na ang tinuro ko ay ang tumutugtog ng acoustic guitar at kumakanta rin. Binalik niya ang tingin sa'kin at pinanliitan niya ako ng mata.

"Crush mo? Ang gwapo no?" mapanukso niyang tanong.

Mahinhin akong umiling.

"Hindi ah! Masyado niya lang dama 'yung kanta."

"Oww. Si Jayzer Raph Calisto, " banggit niya sa buong pangalan ng lalaking tinutukoy ko. "Jayzer ang tawag sa'kanya at siya ang maraming admirers sa grupo. Ang gwapo kasi niya oh, baby face tsaka hindi nakakasawa titigan."

Muli kong tiningnan ang Jayzer na 'yun. Nagtataka ako dahil pakiramdam ko na sa akin pa rin ang tingin niya. Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ba ako o totoo itong nakikita ko?

"Ay besh parang nakatingin siya sa'yo?" Kinalabit ako ni Serenity, bakas ang pagkasabik sa boses.

Nilipat ko ang paningin sa kaibigan para masigurong tama nga ang hinala ko.

"Medyo malayo tayo kaya imposibleng ako ang tinitingnan niya," bulong ko sa'kanya.

"Pero parang ikaw kasi." Sabay turo kay Jayzer na kasalukuyang nakakunot ang noo at dinadama ang awit habang nakatingin kuno sa akin.

"H-hindi naman siguro...unang beses kong pumunta sa ganito para mapanood sila. Sure ako na hindi pa namin nakita ang isa't isa kaya imposibleng makilala niya ako," paliwanag ko.

"Malay mo na-crush at first sight sa'yo!" sabi ni Serenity at kiniliti ang tagiliran ko. "Ayieee, ganda ka?!"

Tinitigan ko lang nang masama ang kaibigan at muling ibinalik ang tingin kay Jayzer. Malapit na matapos ang kinakanta nila pero hindi ko inabala ang sarili sa katotohanan na 'yun. Ang nasa isip ko lang kung totoo nga bang nasa akin ang mata ng lalaking ito o sadyang imahinasyon lang ang lahat.

Ewan ko! Basta ang alam ko, nadadala niya ang emosyon ko. Parang nagsasanib pwersa ang nararamdaman namin kahit hindi kami magkakilala.

Pagkatapos nila mag-perform sa stage, naisipan na naming umuwi ni Serenity. Humihikab na ako nang pumasok sa kotse niya dahil alas dose na ng madaling araw.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon