Kabanata 6

69 24 2
                                    

Nilalakad ko ang pasilyo ng isang hindi pamilyar na paaralan. Nagmamadali ako at sobrang dami ko pang bitbit. May reporting ako sa unang subject kaya kailangan makaakyat ako sa 4th floor para makaabot ako.

Tiningnan ko ang relo at nakitang 5:58 a.m na. 6:00 a.m ang klase kaya may dalawang minuto na lang ako para makaakyat.

"Oy pre tulungan mo na oh!" narinig ko ang sipol ng mga lalaki sa aking likuran.

"Oo nga, pawis na pawis na siya ang dami niya pang dalang cartolina."

"Study first nga naman oh!"

Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Paakyat na ako ng third floor nang marinig ko ang isang boses.

"Tulungan na kita."

Tumigil ako sa paghakbang ngunit hindi ko magawang igalaw ang paa  para maharap ang lalaking nasa aking likuran.

"Ay grabe tol!" natatawang sabi ng tropa niya.

"Tss tigilan niyo nga yan! Nahihirapan na nga 'yung tao eh," sabi ng lalaking ito. "Akin na 'yang mga bitbit mo para hindi ka mahirapan."

Kakaiba ang naramdaman ko nang magsalita ulit siya kaya naman dahan-dahan akong lumingon para makita ang anyo ng pinagmumulan ng boses na 'yun at...

Narinig ko ang cellphone na tumutunog kaya mabilis kong minulat ang mata. Nasilaw ako sa liwanag na nanggaling sa veranda kaya kinapa ko na lang ang cellphone at sinagot ito nang hindi alam kung sino ang tumatawag.

"Beks ano? Nasaan ka? Pauwi na ako!"

Mabilis akong bumangon at napagtantong nasa bahay pala ako ni Jayzer.

"Nandito ako sa bahay nila Jayzer. Pinatulog nila ako rito dahil hindi ako pwedeng umuwi. Baka patayin na ako ng Tita ko eh," mahinahon kong sabi.

"Alam mo humanda sa'kin yang Tita mo. Hintayin niya lang ako kamo. Kakalbuhin ko siya!" malakas na sabi nito sa kabilang linya. Akala mo siya talaga ang nasaktan eh! "Oh ano nakatulog ka ba nang maayos? Kumusta pakiramdam mo? 'Yung emosyon mo? Baka naman dinalaw ka na naman ng ano ha? Nako punta na kaya tayo ulit sa espes-"

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon