[Kabanata 13 ft. Prom by the juans]
"Daddy!"
Mabilis akong tumakbo para bigyan nang mahigpit na yakap si Daddy. Pinapapunta niya ako sa kanyang opisina kaya dumiretso ako rito pagkatapos ng klase.
Kita ko ang saya sa mukha niya habang tinititigan ako. Ang mahigpit niyang yakap ang nagsasabing napatawad niya na ako.
"Dad? Sorry for what I've done."
"Shhhhh. I'm sorry , hija. Pasensiya na kung hindi kita inintindi."
Tumango lang ako at mas hinigpitan ang yakap sa'kanya.
"Kumusta ka naman? Saan ka tumutuloy?"
"Sa condo unit po ni Serenity, Dad."
"Are you comfortable on her unit?"
"Yes Dad!" Hndi ko pa rin inaalis ang yakap sa'kanya.
"I'm sorry kung masyado kitang inipit anak," bulong nito."Masyado lang akong maraming iniisip that time tapos dumagdag pa 'yun."
Ngumiti ako, "ayos lang Dad. Naiintindihan ko po."
Hinaplos ni Daddy ang likuran ko bago iharap sa'kanya.
"Kumusta ka Dad?" tanong ko at tinitigan ang kanyang mukha. Sobrang na-miss ko siya!
"Maayos naman na." Huminga ito nang malalim at nag-umpisang maglakad sa loob ng kanyang opisina, "actually may opportunity na naghihintay sa'kin." Muli niya akong tinitigan.
"Ano po 'yun Dad?" tanong ko.
"May trabaho kaming aasikasuhin sa Berlin."
Agad na kumunot ang noo ko, "B-Berlin? I-ibang bansa Dad?" tanong ko.
Tumango siya at nilapitan ako.
"Matatagalan ang trabaho roon anak," sagot nito.
"Ilang years po?" tanong ko.
"I think it will take years."
Ngumuso ako at malungkot na tumango.
"Isasama ko si Flora doon, anak."
Inangat ko ang tingin at pinagmasdan ang malungkot na mukha ni Daddy.
"Noong nagkaroon tayo ng misunderstanding anak doon ko na-realize kong malaki ka na nga." Hinawakan ni Daddy ang balikat ko, "nang mag-decide kang umalis, napagtanto kong kaya mo na nga tumayo sa sariling choices and decision mo sa buhay."
Mapait siyang ngumiti at niyakap muli ako.
"Nakakalungkot lang na hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo anak," malungkot nitong sabi. "Ang dami kong pagkukulang sa'yo."
"Ano po ba ang gusto ninyong iparating Dad?" kinakabahan kong tanong.
Hinarap niya ako sa'kanya at maigi akong tinitigan.
"Gusto kong ikaw ang magdesisyon kung sasama ka sa akin or mananatili ka rito sa Pilipinas."
Agad nagulo ang isipan ko dahil sa huling mga sinabi ni Daddy. Ang totoo, ayaw kong pumunta sa Berlin dahil marami akong maiiwan dito. Isa pa, hindi ko pa nga nabubuo ang mga ala-ala ko sa nakaraan tapos lilipat na naman ako sa bagong setting ng buhay. Tapos sasama pa si Tita Flora, baka mamaya bumalik na naman ako sa dating kalagayan kapag nagsama kami.
Kaso lang ayaw ko namang mahiwalay kay Daddy.
"Malaki ka na anak at alam kong kayang-kaya mo mag-stand sa mga desisyon na gagawin mo. Kaya hinahayaan kitang pumili," nakangiti nitong sabi. "Huwag kang mag-alala, anuman ang desisyon na pipiliin mo patuloy kitang susuportahan anak."
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)
FanfictionWhen they met, Elliezabeth Mayumi seems like she already found the missing half piece of her life. REGENERATE BAND SERIES 1 [08-14-20]