Kabanata 18

62 16 4
                                    

[Kabanata 18 ft. Itutulog na lang by the juans]

Mabigat ang mga mata ko nang idilat ko ito.

Agad namuo ang lungkot ko nang maalala kung paano ako talikuran ni Ellie. Mapait akong napangiti nang makitang katabi ko ang acoustic guitar na binigay niya.

Happy birthday, self!

Kailangan ko harapin ang katotohanan na mag-isa ko na namang aabutin lahat ng pangarap ko.

Kailangan ko tanggapin na pinahiram lang siya sa akin para makabawi sa lahat ng pagkakamali ko noon dahil sa umpisa pa lang alam kong ako ang may mali.

Kung pwede lang itulog 'yung sakit at bukas okay ka na. Kung pwede lang itulog 'yung lungkot at pagmulat ng mata mo ay masaya ka na ulit.

Tinatamad akong bumangon at inayos ang aking sarili. Gustong-gusto ko magmukmok maghapon dito sa unit pero ayaw ko namang lamunin ako ng lungkot.

Gusto kong maging masaya para kay Ellie dahil wala na siya sa taong sinaktan at niloko lang siya nang paulit-ulit.

Nagsuot ako ng ripped jeans at t-shirt. Saktong natapos ako sa pag-aayos nang mag-text si Kuya Jasper na nasa baba na siya ng basement at naghihintay.

Alam kong malungkot ako at sobrang bigat ng pakiramdam. Pero bawal na iatras ang birthday party na inihanda para sa akin ng mga Regeneratics. Ayaw kong maging unfair sa mga tagahanga namin kaya kailangan ayusin ko ang sarili.

Inayos ko pa ang buhok ko bago nag-ensayo kung paano ngingiti. Dahan-dahan kong kinuha ang acoustic guitar na regalo ni Ellie at maingat itong binuhat.

"Mayumi," bulong ko at niyakap ito na parang anak ko talaga pero agad ko rin tinigil ang pagda-drama dahil sigurado akong naiinip na si Kuya sa baba.

Pilit kong inaalis ang lungkot sa aking sistema pero hindi ko kaya. Nahihirapan akong tanggapin na nakakaalala na si Ellie.

Kailan pa 'ko naging selfish?

Ah- noong High School nga pala kami naging makasarili ako.

I sighed.

Nang makarating ako sa elevator ay nabuo ang pagkasabik at kaba sa aking dibdib nang makita ko si Serenity na naglakakad. Agad niya akong nakita kaya masaya itong kumaway at mabilis na lumapit sa akin.

Pero nang makalapit siya ay naging malungkot ang ngiti niya.

"K-kumusta siya?" agad kong tanong habang pumapasok sa elevator.

Nakita ko ang paglunok niya at lalong nalungkot ang kanyang mukha.

"She decided to stay in their house," sagot nito habang nakayuko. "Kanina lang siya umalis."

"Is she okay there?" tanong ko. "I mean hindi naman siya mapapano? Or 'yung stepmon niya?"

Ngumiti si Serenity at maigi akong tinitigan.

"Wala roon ang Daddy at stepmom niya, Jayzer."

Kumunot ang noo ko at naalalang sinabi nga niya sa'kin ang bagay na 'yun.

"But..." sagot ko, "...hindi yata makakabuti sa'kanyang mag-isa," malungkot kong saad.

"Don't worry sasamahan ko siya." At tipid na ngumiti, "ako ang bahala sa'kanya Jayzer."

Tumango ako at wala ng lumabas pa sa aking bibig. I know to myself that I will miss her more kapag nagtanong pa ako ng kung anu-ano.

Hanggang sa makababa kami ay tahimik lang ako at magkasabay lang namin tinahak ni Serenity ang hallway palabas sa tower na tinutuluyan namin.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon