Kabanata 7

70 22 13
                                    

Nagsuot ako ng jeans at maiiging pinasadahan ang pang-itaas na damit. Kusa akong napangiti nang maalala ang blangkong reaksyon ni Jayzer kagabi nang ibigay niya ang t-shirt na 'to. Mas lalo pang nakaramdam ng galak ang puso ko dahil sumagi rin sa aking isip ang paghatid niya sa'kin dito sa bahay kahit pa nag-grab lang kami dahil hindi nga siya pwede mag-drive ng sasakyan mag-isa.

Sino ka ba Jayzer? Bakit ba ganito mo 'ko pinapasaya? Ganito ka rin ba sa'kin ilang taon na ang nakalipas? Gaano ba tayo ka-close at bakit ganito mo 'ko pakitunguhan nang magkita tayo?

Natigil ang pag-iisip ko nang may kumatok sa aking silid. Mabilis kong inayos ang sarili bago ito buksan.

Nakataas na ang kilay ni Tita Flora nang buksan ko ang pinto. Napalitan kaagad ang emosyon ko dahil nakita ko siya.

"Saan ang punta mo?" tanong niya.

Tumikhim ako at pagod na tinitigan si Tita dahil alam kong mang-aaway na naman siya.

"M-may lakad lang po kami ni Serenity," sagot ko.

"Magpapakasaya ka?" Tumaray lalo ang mukha niya, "hindi mo deserve."

Minsan talaga parang bata mag-isip itong stepmother ko eh. Hayyy.

"Oo nga pala! Sino 'yung naghatid sa'yo rito kagabi?"

Mabilis kong tinitigan si Tita Flora. Nakita niya pala ang paghatid ni Jayzer sa'kin kagabi.

"Sino 'yun?" ulit niya.

"Kaibigan ko po, " sagot ko.

"Kaibigan?"

"Opo. Magkakilala na raw po kami bago ako magkaroon ng amnesia. "

"Naniwala ka naman?" tanong niya kaya tumango ako.

Tumawa siya at hindi makapaniwalang inilingan ako.

"My dear Ellie!" may halong sarkasmo ang boses nito. "Masyado ka yatang uhaw sa atensyon at pagmamahal." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, "mag-ingat ka na lang baka kasi maabuso ang pagkakaroon mo ng amnesia. Baka mamaya niloloko ka na, nagpapakasaya ka pa!"

Nakaramdam ng kaba ang dibdib ko matapos niya sabihin ang mga katagang 'yun.

"B-bakit niyo naman po nasabi yan?" nagtataka kong tanong.

Tumawa ito at marahang inayos ang tikas ng aking buhok.

"Wala lang. Nasabi ko lang," natatawa niyang sabi. "Kinabahan ka naman kaagad! As if namang may alam ako sa past mo tsk. Eh kahit sa present wala naman akong pakialam sa'yo!" Hinila niya ang buhok ko matapos ito ayusin.

Immatured!

"Pero sana nga maranasan mong maloko," sabi nito. "Dahil gusto kong nakikita kang nahihirapan."

Parang nilamukos ang puso ko dahil sa sinasabi niya. Gusto kong takpan ang tenga pero para saan pa? Dapat manhid na ako sa mga ganitong bagay dahil palagi namang ganito ang eksena rito sa bahay.

"Kapag nasaktan ka, baka maisipan mong umalis na sa buhay namin ni Elazar," dagdag pa nito. "Or pwede rin sa mundong 'to!"

"Excuse me po," tanging nasabi ko at nilagpasan siya.  Ayaw ko ng patagalin pa ang usapan.

"Aba bastos ka ha!" Hinila niya ang braso ko ng malakas para maharap muli siya.

"T-tita wala po akong ginagawang masama sa'yo," mahinahon kong sabi kahit nasasaktan na sa pagkakahawak niya.

"Wala? Sigurado ka? Alam mo nakakainis 'yang pagmumukha mo dahil kahawig na kahawig mo ang Mama mo!" sigaw nito sa'kin. "Umalis ka na lang kasi sa buhay namin!Hindi ka namin kailangan!" Ang galit niyang reaksyon ay napalitan ng pagmamakaawa, "umalis ka na sa mundong 'to!"

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon