Kabanata 10

75 22 3
                                    

"You are two weeks suspended."

Paulit-ulit kong narinig ang consequence na pinataw sa'min ng OSA. Hindi ko maintindihan kung bakit? Alam kong may mali kami pero sana hinayaan muna nila kaming magpaliwanag.

Hinawakan nang mahigpit ni Serenity ang aking kamay pagkatapos ay naaninag ko ang blangkong ekspresyon ni Daddy.

"I'm sorry pero magkita-kita na lang tayo after two weeks," sabi ni Mr. Garcia."Sana naman pagbalik niyo ay hindi na maulit ito. Alam niyo kung gaano ka-higpit ang batas sa paaralang ito."

Malungkot ko na lang tinanggap ang nangyayari at hinayaan na lang kung ano na ang mga susunod na magaganap.

Lumabas kami sa office habang hawak pa rin ni Serenity ang kamay ko.

"Anak let's talk," mahinahon na sabi ng Daddy ni Serenity kaya naman hinarap ako ng kaibigan para magpaalam.

Mabilis siyang kumapit sa braso ng ama at lumayo sila sa amin.

"D-dad?" tawag ko at pilit kumapit sa braso niya.

Blangko lang ang ekspresyon nito at hindi ako magawang titigan.

"S-sorry for being a failure," bulong ko at nahihikbi na naman. "I'm sorry po dahil na-disappoint kita."

Hindi niya pa rin ako magawang tingnan at iniiwasan lang ang mata ko na parang ayaw niyang makinig.

"D-dad? Promise aayusin ko na po," pagmamakaawa ko pa. "Huwag na po kayo-"

"I don't want to hear your explanation. You will stay in your room for two weeks. No cellphone,no social media, and no phone calls. "

Nagulat ako sa sinabi ni Daddy. Tinanggap ko na ang consequence ng school na 'to tapos pati siya may parusa rin?

"P-pero Dad?" hindi pwede.

Hindi pwedeng mag-isa ako sa loob ng dalawang Linggo at baka kung ano na naman ang maisip at gawin ko.

"No but's Ellie, " malamig nitong sabi, "You're grounded starting tomorrow. I need to go."

Mabilis niya akong tinalikuran at iniwanang tulala.

Nanakit na naman ang aking ulo at dibdib kaya humanap ako ng mauupuan para ipahinga ang sarili.

Malungkot kong pinagmasdan ang sugat na natamo sa pinaggagawa kagabi. Alam kong mali ito kaya nagi-guilty ako. Kaya nga ayaw kong magkulong sa kwarto nang mag-isa dahil baka gawin ko na naman ito.

Binuksan ko ang phone at nakita ang notification na nag-post na naman sa Youtube channel nila ang Regenerate Band. Mabilis ko itong pinindot para panuorin.

Napangiti ako bahagya nang makita ang ngiti ng limang banda lalo na ang kay Jayzer. Nagsimula silang tumugtog at umawit.

Ramdam mo ang puso nila habang kumakanta . Inumpisahan ni Kuya Cris ang unang verse. Sinundan ni Japhet at sumabay sa chorus si Jayzer at Calvin. Rinig na rinig naman ang napakagandang tunog na nagmumula sa drums na hinahampas ni Josiah.

Even in just a minute, I find peace and joy. At dahil lang 'yun sa panunuod ko ng video nila.

"Ellie?" tawag ni Serenity kaya naman inangat ko ang tingin.

"Kumusta? Anong sabi ng Daddy mo?" tanong ko.

"Nagalit syempre," sagot niya. "Pero pinaintindi ko naman at nakinig siya kaya oks na."

Malungkot akong ngumiti.

"Mabuti ka pa," bulong ko.

Mabilis siyang umupo sa tabi ko at mahigpit akong niyakap.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon