Kabanata 24

46 7 8
                                    

[Kabanata 24 ft. Atin ang Mundo by the juans]

"How's your day?" tanong ko kay Ellie. Sinundo ko siya ngayong gabi na palagi ko naman nang ginagawa simula nitong mga nagdaang araw.

"Nakakapagod pero okay lang," nakangiti niyang sagot habang tumitingin sa akin. "I mean, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Ikaw? I'm sure nakakapagod ang araw mo," masuyo nitong dagdag at mas naging maamo ang kanyang mga mata.

Ngumiti lang ako nang malawak at pinindot ang ilong niya. "Same as you. Nakakapagod pero nag-eenjoy ako," tugon ko.

"Mabuti naman at hindi kayo masyadong nag-over time ngayon," sambit nito bago ko siya alalayan pumasok sa kotse. 

"Yeah! Puro linis na lang naman kami ngayon ng mga i-peperform namin sa open gig," nakangiti kong sagot bago umikot para pumasok sa driver seat.
Naabutan ko siyang tinititigan lang ako kaya umiling ako at nagpa-cute pa. Simbolo na gustong-gusto ko ang ginagawa niya.

"Are you ready?" mahinhin pero medyo sarcastic niyang sabi.

"Oo naman!" natatawa kong bigkas. "Nagkausap na kami once ng Daddy mo no!" confident kong sabi dahilan para mahinhin siyang mapailing.

Ilang araw na rin kaming ganito. Masaya akong ligawan siya at habang buhay ko na itong gagawin kahit pa maging kami na. Hanggang sa tumanda kami ay hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya kung gaano siya ka-espesyal.

Masasabi kong ibang-iba na talaga kami sa dating Ellie at Jayzer. Both of us became matured. Hindi na kami nagmamadali at nagdedesiyon ng basta-basta. Simula ng gabi no'ng hinatid ko siya sa kanilang bahay, naging maayos ang lahat at sobrang payapa ng puso ko.

'Yung pakiramdam na masaya kang gigising sa umaga. Nagagawa mo lahat ng gusto mo maging ang trabaho mo tapos uuwi kang pagod pero may kapayapaan ang puso. At the end of the day, makakatulog ako nang mahimbing. Gano'n pala ang pakiramdam ng totoong pag-ibig. Nagbibigay ng genuine joy and peace sa'yo kahit pa nakakapagod ang buong araw mo. Tapos hindi lang kayong dalawa ang masaya para sa isa't isa kundi ang ibang tao rin na nakapaligid sa inyo.

"So kailan mo ba sasagutin si Jayzer, anak?" tanong ni Tito sa kanyang nag-iisang anak dahilan para patago akong mapangiti.

"Dad? " nahihiyang bigkas ni Ellie kaya humalakhak ang Daddy niya.
Kasalukuyan kami ngayong kumakain ng dinner dahil inimbita nila ako ngayon sa kanilang bahay. 

"Ikaw Jayzer ha? Nag-usap na tayo," paalala ni Tito sa akin kaya agad kong inangat ang aking tingin at mabilis na tumango.

Hindi ko na po ulit sasaktan ang anak ninyo, Tito. Never and not again.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko kay Ellie pagkatapos ng dinner at pansamantalang naglalakad kami palabas ng kanilang bahay.

Huminga siya nang malalim at tipid na ngumiti. "Si Tita Flora," mahinang bigkas nito.

Masuyo kong tinitigan si Ellie matapos kong huminto sa paglalakad.

"Alam mo 'yon, I am thankful na hindi na katulad ng dati ang turing niya sa akin. Hindi na niya ako sinasaktan physically. But honestly, it hurts na nasa iisang bubong kami tapos walang kibuan," paliwanag nito habang nakayuko.

"Hey. I understand okay?" malambing kong sabi habang inaangat ang ulo niya. "Naiintindihan kita," bulong ko dahilan para sumilay ang kakarampot na ngiti sa kanyang labi.

"I don't know," sambit nito. " I just want everything to be okay. Mas masaya kapag okay tayo tapos okay rin kami ni Tita 'di ba?" Ang tono ng boses niya ay parang nagmumukha siyang bata. Gayunpaman ay tumango ako.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon