Kabanata 14

65 19 8
                                    

Nilalakad ko ang pasilyo ng isang hindi pamilyar na paaralan. Nagmamadali ako at sobrang dami ko pang bitbit. May reporting ako sa unang subject kaya kailangan maka-akyat ako sa 4th floor para maka-abot ako.

Tiningnan ko ang relo at nakitang 5:58 a.m na. 6:00 a.m ang klase kaya may dalawang minuto na lang ako para maka-akyat.

"Oy pre tulungan mo na oh!" Narinig ko ang sipol ng mga lalaki sa aking likuran.

"Oo nga! Pawis na pawis na siya ang dami niya pang dalang cartolina."

"Study first nga naman oh!"

Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Paakyat na ako ng third floor nang marinig ko ang isang boses.

"Tulungan na kita."

Tumigil ako sa paghakbang ngunit hindi ko magawang igalaw ang paa  para maharap ang lalaking nasa aking likuran.

"Ay grabe tol!" natatawang sabi ng tropa niya.

"Tss tigilan niyo nga yan! Nahihirapan na nga 'yung tao eh," sabi ng lalaking ito. "Akin na yang mga bitbit mo para hindi ka mahirapan."

Kakaiba ang naramdaman ko nang magsalita ulit siya kaya naman dahan-dahan akong lumingon para makita ang anyo ng pinagmumulan ng boses na 'yun at bumungad sa akin ang isang lalaking matangkad. Pamilyar siya sa'kin dahil pansin kong madalas siyang mag-react sa mga post ko sa social media. Pero imbes na ibaling ang pokus sa'kanya, naramdaman ko na lang ang sariling iginawad ang tingin sa lalaking nasa likuran niya.

Maamo ang mukha nito at parang nagdudugtong na ang dalawang kilay dahil sa kapal nito. Nakita ko ang pag-ngiti niya habang may sariling mundo sila ng isa pa nilang kasama kaya nakita ko ang dimples niya.

"Akin na."

Agad kong iniwas ang tingin nang mapansin ng lalaki ang titig ko sa'kanya kaya ibinalik ko ang mga mata sa kaibigan niyang nag-aalok ng tulong.

"H-hindi na," mahinhin na sabi ko. "Salamat na lang pero kaya ko na naman." Tipid akong ngumiti.

"Aww reject kaagad!" Tumawa ang isa nilang kaibigan kaya siniko siya no'ng lalaking may dimple.

Ngumiti lang ang kaharap ko at iginawad ang kamay sa'kin.

"Deither," pagpapakilala niya. "Deither Ocampo."

Nagulat man ay ngumiti na lang ako at nakipagkamay. Late na 'ko kaya wala na akong choice kundi ipakilala rin ang sarili ko.

"Elliezabeth Mayumi," sabi ko. "Ellie na lang."

Kita ko ang saya sa kanyang mga mata habang titig na titig sa'kin.

"Ah," naiilang kong sabi. "S-sige ah! Una na 'ko."

Tumango ito ngunit hindi inalis ang tingin sa'kin.

"Sige," nakatulala niyang sagot.

Muli akong ngumiti at tiningnan muli ang lalaking may dimple. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. To be honest, gwapo nga siya. Nang makita niya akong tiningnan siya ay ngumiti ito at nagpa-cute dahilan para mailang ako lalo.

Dahan-dahan akong tumalikod dahil hindi ko alam ang nararamdaman. Humakbang ako nang ilang beses hanggang sa makarating sa third floor.

"John nga pala!" sigaw ng lalaking makulit. "At si Jayzer!"

Muli akong tumingin sa'kanila at nakitang inakbayan niya ang lalaking may dimple.

Jayzer pala ang pangalan niya!

Tumango na lamang ako bago ko marinig ang isang sigaw.

"Ocampo! Ang! and Calisto!" Sa hula ko ay isang guro ang tumawag sa'kanilang apelyido. "Pumasok na kayo!"

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon