Kabanata 20

83 14 1
                                    

"Ellie!"

Mabilis akong napabangon sa aking kama at pasimpleng napailing nang mapagtantong napanaginipan ko na naman si Ellie.

It's been a year since the last time we saw each other on that resort.

I sighed because I remember that we graduated while far to each other.

Napaisip tuloy ako, wala na nga ba talagang tamang timing para sa aming dalawa? Masyado na ba akong umaasa na balang araw ibabalik din siya sa akin kahit pa alam kong imposible talaga?

Sila pa kaya ni Deither? Kumusta kaya ang relasyon nilang dalawa?

Tinatamad akong tumayo at inayos ang magulong buhok. Kukunin ko na sana ang tuwalya nang marinig kong nag-ring ang aking cellphone.

"Kuya Cris?"

"Hey! I'm on my way!" masayang bungad nito. "Actually I'm with the boys na. Susunduin ka namin diyan sa inyo."

"Hi Jayzer!"

Tinakpan ko ang isang tenga nang sumigaw ang tatlo. Akala mo naman hindi kami nagkita kahapon.

"Ang aga pa!" reklamo ko. "Tinatamad pa nga ako maligo." Sabay tingin sa orasan at nakitang medyo late na nga ako.

"Uhuh!" tugon ni Kuya Cris. "Don't be lazy, Jayzer. Come on! Today is our contract signing. Baka nakakalimutan mong ambassador na tayo ng isang sikat at kilalang brand ng damit at sapatos!"

Alam kong manghang-mangha si Kuya Cris ngayon. Sa dami ba naman ng pinaghirapan niya para sa bandang ito, alam kong sobrang saya niya sa kung ano ang nararating namin ngayon.

"I know Kuya," tamad kong sagot at pasimpleng nag-pout.

"Bunso," malambing na sabi nito.

"Opo," sagot ko. "Ingat kayo! Maliligo lang ako."

Narinig ko ang tawa ng tatlo bago magsalita si Calvin.

"Yay! 'Wag ka nga diyang mag-inarte, walang pipilit sa'yong maligo!" natatawa nitong pang-aasar.

"E 'di wow!" sagot ko. "Sige na bye na!" medyo napipikon kong sabi.

Umiling ako pagkatapos patayin ang tawag at dumiretso na sa banyo para maligo.

Pagkatapos ay agad akong bumaba para magpaalam sa magulang na kasalukuyang nag-aalmusal.

"Mommy, Daddy alis na po ako!" Ngumiti ako at humalik kay Mommy habang nakikipag-high five kay Daddy.

"Kumain ka muna anak," paalala ni Daddy pero umiling ako.

"Drive Thru na lang po ako," sagot ko. "Late na po eh."

"Anak ha? 'Wag sasanayin ang sarili sa fast food."

Mukhang nagtatampo ang mukha ni Mommy.

Super busy namin this past few weeks to the point na hindi ko na nade-date itong unang babaeng minamahal ko.

"Babawi po ako!Okay? I love you both!" Isa pang yakap para sa dalawa bago tuluyang lumabas ng bahay.

Malakas na busina ang bumungad sa akin pagkalabas. Napangiti ako nang makita ang van na naipundar ng aming banda. In the other part of my life, alam kong naging maganda ang takbo ng buhay ko for the past years dahil na rin sa pagmamahal at walang sawang suporta sa amin ng mga fans.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon