Kabanata 23

78 10 1
                                    

Kabanata 22 ft. BALISONG by the juans

"Really?" tanong ni Kuya Cris nang i-kwento ko ang lahat sa kanila bago mag-start ang rehearsal.

"Totoo nga, Kuya!" masaya ko pang sabi.

"Kaya naman pala kilig na kilig ang mukha mo!" natatawang pang-aasar ni Japhet pero halatang masayang masaya siya para sa akin.

"So anong plano mo?" tanong ni Josiah matapos ako akbayan.

"Ano pa ba? E 'di G na agad 'yan, matagal mong hinintay eh!" Si Calvin na ang sumagot sa tanong ng isa naming kaibigan.

Umiling lang ako at tinitigan ang apat.

"Hindi naman ako nagmamadali," sagot ko.

"Asus!" Si Calvin at mapang-asar akong tiningnan

Muli akong umiling at niyaya na silang lima.

"Tara na nga! Mag-practice na tayo."

"Ganado ah? Himalang 'di ka mareklamo ngayon!" Japhet winked.

Tumawa kaming lahat habang nagpi-peace sign siya.

Mabilis kaming pumwesto sa kanya-kanyang instrumento na gagamitin pero bago ko pa man mabuhat ang acoustic guitar ay naramdaman ko na ang kamay ni Kuya Cris sa aking balikat.

"I'm happy for you bunso," sincere nitong sabi. "I just wish na this time it will work."

Ngumiti ako at masuyong tinitigan siya.

"I work hard para mag-work 'to, Kuya."

Ngumiti si Kuya bago tumango-tango.

Ganado kaming nag-practice lalo pa ako. Kapag iniisip ko pa lang na mamaya ay magkikita kami ni Ellie ay mas ginaganahan ako. Gano'n pala talaga kapag inspired no? Hays ang sarap sa pakiramdam.

"Ilang araw na lang, open gig na!"paalala ni Kuya Cris sa amin bago kami umalis sa studio. "Just keep practicing para sa mga manunuod okay? For now, good job tayo today!"

Pumalakpak kami na akala mo'y mga batang tuwang-tuwa dahil naka-perfect sa exam.

Nakangiti ako kahit pa sobrang napagod ako sa rehearsal kanina. Nasa loob na ako ng sasakyan ko at nagmamaneho papunta sa hospital na pinagtatrabahuhan ni Ellie. Kung sakaling ito ang gagawin ko araw-araw, hindi na yata ako makakaramdam ng pagod.

Sobrang favored ko na talaga kapag binigay sa akin ng Diyos ang babaeng simula pa lang noon ay pinangarap ko nang makasama.

Mabilis akong bumaba sa kotse nang makarating sa parking lot at nakangiting tinext si Ellie na naghihintay na ako rito.

Matiyaga akong naghintay katulad ng paghihintay ko sa kanya noong umalis siya sa tabi ko.

I sighed heavily. I hope hindi na maulit 'yun. Sana katulad ng sinabi ni Kuya Cris, magwork na ngayon. Noong mga panahong nakita ko siya kung paano isara ang pintuan, naramdaman ko talaga na hindi na kami magkikita pa. Alam ko sa sarili ko noon na desidido na siyang kalimutan ako.

"Jayzer!" mahinhin pero pasigaw na tawag ni Ellie kaya inangat ko kaagad ang ulo ko.

Nakangiti akong kumaway hanggang sa makalapit siya. Her smile really gives peace and calmness to my heart.

"How's your day?" tanong ko.

"Fine, " maikling sagot niya. "Ikaw kumusta rehearsal?"

Ngumiti ako at nagpacute sa kanya.

"Maayos naman," sagot ko. "Tara na?"

Tumango siya kaya mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse para makapasok siya.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon