Kabanata 29

42 6 0
                                    

Marahan kong binuksan ang aking mga mata. Nang maaninag ko ang sikat ng araw mula sa veranda ng aking kwarto ay agad akong nagdesiyon na tumayo. Pero hindi pa ako nakakaalis sa aking kama ay agad nang bumukas ang pintuan.

Nakaramdam ako ng pananabik lalo pa't iniisip ko na ang papasok ay ang babaeng tumatawag sa aking love noong nakaraan. Ilang araw na rin kasi itong hindi dumadalaw kahit pa sinabi niyang babalik daw siya para bantayan at alagaan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit excited akong makita siya gayong hindi ko naman siya maalala. Pero sigurado akong nagsasabi siya ng totoo, na girlfriend ko nga siya.

"Anak kumain ka na." Napabuntong hininga na lang ako nang hindi siya ang pumasok.

Nakita ko ang malungkot na pag-ngiti ni Mommy kaya bilang ganti ay niyakap ko na lang ito.

"Look, anak. I know na hinahanap mo si Ellie pero she's busy," sambit nito.

"Bakit naman po?" tanong ko. "Sa work po ba?" 

Umiling si Mommy at inayos ang higaan ko.

"Please tell me Mommy, " pakiusap ko.

Muli siyang umupo sa tabi ko at inihanda na ang almusal. 

"If I tell you don't make it as your burden ha? Alam ko naman na kahit 'di pa bumabalik ang memorya mo ay nag-aalala ka pa rin para kay Ellie."

"Bakit Mommy? Ano po bang nangyari sa'kanya? Is she okay?"

Naramdaman kong nagdadalawang isip pa siya bago sabihin sa akin pero nang titigan ko si Mommy na parang naninigurado, ngumiti na lamang ito at napilitan sabihin ang totoo.

"Her stepmom died. And hindi siya makadalaw dito dahil marami silang inaasikaso and besides 'di niya maiwan-iwan ang Daddy niya."  

Agad akong nakaramdam ng lungkot. Alam kong masakit mawalan ng mahal sa buhay pero may kung ano sa akin na gusto agad siyang puntahan para damayan man lang.

"Anak?" Hinawakan ni Mommy ang braso ko. 

"Puntahan natin siya Mommy," pangungumbinse ko.

"Pero anak hindi naman daw magtatagal ang burol. Actually libing na ngayon."

"Bakit hindi niyo po sinabi? Paano si Ellie? How she face that struggles alone?"

Nakita ko ang kakarampot na luha sa mata ni Mommy at mahigpit akong niyakap pagkatapos itabi ang pagkaing hawak niya.

"Your love is so pure anak," sabi nito. "Kahit 'di mo na siya maalala, hindi mo pa rin nakakalimutan ang pagmamahal mo para sa'kanya."

Mabilis na tumibok ang puso ko sa mga tinuran ni Mommy. Pero totoo, gusto ko siyang damayan sa mga oras na 'to. I know that she needs hug at kailangan niya nang masasandalan. Ramdam kong kailangan niya ako.

"Mommy? Kailan po ba ako makakaalala?" tanong ko kasi gustong-gusto ko nang bumalik sa normal ang lahat. Masyado na akong nagiging pabigat sa family ko tapos dumadagdag pa ako sa problema ni Ellie.

"Mangyayari rin 'yan anak," malambing nitong sabi at kinuha na ulit ang pagkain ko.

Hindi pa man niya nasusubo sa akin ang soup na ginawa niya ay nag-ring na ang cellphone nito.

"Oh? Ellie is calling!" masaya nitong sambit kaya nagmamadali ko itong kinuha sa kanya para sagutin.

Para akong batang sabik na sabik sa boses ng isang tao na matagal kong hindi nakasama at nakita.

"Ellie?" mahinahon kong sabi.

Narinig ko ang mahinang pagsinghot nito bago pekeng tumawa.

"How are you, love?" tanong nito. 

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon