Kabanata 25

48 6 6
                                    

"Mommy!" tawag ko sa mama ko nang makita ko siya sa dalampasigan. Kumunot ang noo ko nang makita kong magkasama sila ni Ellie pero agad din sumilay ang aking ngiti. They're having deep conversation.

"Love?" tawag ko naman sa girlfriend ko nang makalapit na ako sa kanila.

"Oh anak, what are you doing here?" tanong ni Mommy.

Ngumuso ako at tinitigan silang dalawa. "Hinahanap ko kayo," simpleng sagot ko.

"Kami ba talaga? O si Ellie lang?" natatawa nitong biro.

"Of course kayong dalawa!'' defensive kong sabi at malambing na niyakap si Mommy.

Nakita ko ang pag-ngiti ni Ellie at masaya kaming tinitigan dalawa.

"Asus!Kunware pa, oo na sige na! Maiwan ko na kayo rito. Maghahanda na ako for our dinner. Alam ko naman na gustong-gusto mo makausap ang girlfriend mo. " Hindi na siya natigil sa pang-aasar. Kaninang tanghali lang kami dumating sa beach resort na ito para i-celebrate ang birthday ni Kuya kaya sinama ko na si Ellie dahil utos din ito ni Daddy.

Binitawan ako ni Mommy at nakangiting ibinaling ang atensyon sa girlfriend ko. "Mauna na ako sa inyo sa loob ha?"

Tumango si Ellie at nag-wave pa ng kamay bago niya ibigay ang atensyon sa akin.

"Nandito ka lang pala," sambit ko at hinila siya para ma-akbayan ko. At nang mailapit na niya ang sarili sa akin, nagkusa na lang ang labi ko na halikan ang tuktok ng kanyang ulo at inamoy ang buhok niya.

"Sobrang ganda dito," sabi niya at inangat ang tingin sa akin dahilan para magkalapit ang mukha naming dalawa.

Ngumiti ako at pinisil ang ilong niya. "It's not just beautiful, it's also special because you're here."

Ang mukha niya ay nagbago, nagmukha itong hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Bolero," bulong niya kaya mahina akong tumawa.

Huminga siya nang malalim at dahan-dahang nilagay ang dalawang kamay ko sa kanyang balikat dahilan para mahagkan ko siya. Nagbago bigla ang pwesto namin dahil umalis ako sa gilid niya at doon na nanatili sa kanyang likod habang niyayakap ko siya sa leeg.

Palubog na ang araw at tahimik lang naming tinitingnan ang banayad na dagat. This is such a deep and intimate conversation of us on my own perception. Ito 'yung walang lumalabas sa bibig niyo pero nararamdaman niyo ang isa't isa Dahil ang ganitong sitwasyon, puso naming dalawa ang nag-uusap.

Ilang sandali lang ay siya na ang bumasag sa katahimikan.

"My heart is full of joy," sambit nito pero huminga siya nang malalim, kabaliktaran sa sinasabi niya ang kinilos niyang 'yon. "Natatakot akong may kapalit 'to." At nilingon niya ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay kong nakapulupot pa rin sa leeg niya.

Ang mapupungay niyang mata ay nakikitaan ng takot.

"N-natatakot akong mawala ka ulit." Binasa niya ang pang-ibabang labi. "Natatakot ako kasi nasanay na ulit akong nandiyan ka, nasanay na akong mahal mo ako at mahal kita. "

"Anong nakakatakot doon?" tanong ko habang nakakunot ang makakapal na kilay.

"Ang kapalit nito." Hinawakan niya ulit ang kamay ko para naman humarap siya sa akin pero hindi niya ito binitawan nang makaharap na siya. Tinaas ko ang dalawa kong kilay para sabihin na hinihintay ko ang nais niya pang sabihin. "I don't know. Bigla na lang akong kinabahan. I'm sorry." Yumuko siya na akala mo'y nahihiya sa mga sinabi niya pero ngumiti lang ako at niyakap siya.

"Hindi na ako mawawala, okay? Trust me."

"I trust you!" bwelta nito. "Pero bigla na lang akong kinabahan, ewan ko pero ang weird talaga."

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon