Kabanata 28

35 6 2
                                    

"Jayzer!"

Mabilis kong dinilat ang mga mata pero hindi ko maigalaw masyado ang katawan ko. Una pa lang, alam ko nang nasa hospital ako dahil sa ilaw at puting kapaligiran. 

Madiin kong ipinikit muli ang mga mata at inalala ang mga nangyari. Pero hindi pa man nag-sisink in lahat sa akin ay narinig ko na ang pangalan ko.

"Ellie?" tawag sa akin ni Serenity kaya marahan ko siyang hinarap.

"S-si J-jayzer?" agad kong tanong.

Nag-iba ang direksyon ng mata ng aking kaibigan at doon ko napagtanto na nandito rin sa loob sila Kuya Cris, Calvin, Japhet, at Josiah.

"N-nasaan si Jayzer?" tanong ko ulit pero hindi magawang makasagot ni Serenity.

Naramdaman ko ang paglapit sa amin ni Japhet at tipid itong ngumiti, 'yung ngiting nais pagaanin muna ang loob mo dahil sa oras na ibinuka na niya ang kanyang bibig ay siguradong mabibigat na mga salita ang maririnig ko.

"Ellie mas mabuti kung magpahinga ka muna. Sabi ng Doctor huwag mo raw muna bigyan ng stress ang sarili mo," sabi nito.

Umiling ako at si Kuya Cris na ang tiningnan.

"Kuya Cris dalhin niyo ako kay Jayzer pati kay Tita Flora!" pakiusap ko
"Kailangan nila ako. Si Tita hinahanap niya ako kagabi kaya kinailangan ko umuwi...s-si Jayzer, gusto ko siyang makita!"  sunod-sunod kong banggit.

Lumapit na rin si Kuya Cris sa akin para alalayan akong humigang muli.

"Kakagaling lang ng Daddy mo rito. He told us that your Tita Flora is fine  and..." Tumingin siya sa mga kasama bago ituloy ang pagsasalita, "I am sad to say that Jayzer is still not awake." 

Agad akong nakaramdam ng kaba. Kahapon lang ay hawak ko pa ang kamay niya. 

"Kasalanan ko 'to," malungkot kong saad habang ang mata ay lumuluha na. 

"Ellie don't blame yourself," pakiusap ni Serenity at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna. Let us pray na magising na rin si Jayzer," sabi ni Calvin.

"Wala namang may gusto sa nangyari, kaya 'wag mo sisihin ang sarili mo," si Josiah.

"Nagugutom ka ba? Bibili na lang kami ng pagkain mo," si Japhet ang nagtanong.

"Hindi pa naman," sagot ko. Ang gusto ko ay makita ang kalagayan ni Jayzer at masigurong ayos lang siya.

Ilang segundo kaming nanahimik at nabasag lang 'yon nang pumasok sina Tita Jaya at Tito Raphael sa aking silid. Agad akong kinabahan dahil alam kong labis labis na pag-alala ang nararamdaman nila para sa anak. At nagsisisi ako kung bakit ko pa hinayaan na samahan niya akong umuwi.

"Hija, kumusta ka?" bungad ni Tita at hinawakan nito ang mga kamay ko.

"T-tita sorry po." Gusto ko na naman maiyak nang magsalita ako.

"No, hija. Naiintindihan namin. Don't blame yourself," sagot nito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Pero dapat gumaling kayo pareho ha? Gusto ko magpalakas kayo," pakiusap nito. "Alam kong mahirap paniwalaan ang nangyari pero kailangan nating tanggapin at harapin na lang ang mga kailangan gawin para maka-recover kayong dalawa."

"Nakita na kung sino ang may-ari ng van na nakabangga sa inyo. At napag-alaman na nawalan ng preno ang sasakyan," saad ni Tito Raphael.
"We're  trying to fix that." 

"Thank you po," nakayuko kong sabi.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Tita kaya mabilis akong umiling.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon