Kabanata 9

71 23 10
                                    

[WARNING: SOME OF THE SCENES CAN TRIGGER YOUR EMOTIONS. SO BETTER TO CALM YOURSELF FIRST BEFORE READING. I JUST WANT TO REMIND THAT YOU ARE LOVED AND YOUR WORTH IS PRICELESS. ISANG MAHIGPIT NA YAKAP PARA SA'YO.]

"Bakit mo sinasabi yan?Anong gusto mong iparating?" tuloy-tuloy na tanong ko sa'kanya. Nagpatuloy ang sakit sa puso ko dahil sa mga binitawan niyang salita.

Huminga siya nang malalim at inayos ang tikas ng aking buhok dahilan para umiwas ako ng titig. Naiilang ako masyado.

"Malalaman mo rin 'yun sa tamang panahon," malungkot niyang sabi. "Sa ngayon hayaan mo muna sanang sulitin ko ang mga araw na 'to," dagdag pa nito.

Binalik ko ang tingin sa kanya kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Pinilit kong tingnan ang mukha niya dahil gusto ko itong makabisado. Gabi na ngunit malinaw pa rin sa'kin kung gaano ka-gwapo ang lalaking ito. Bagay lamang sa kanyang ihambing ang bituin dahil kahit nasa madilim kang parte ng buhay mo ay nagagawa ka niyang dalhin sa liwanag at kapayapaan. 'Yung lugar kung saan puno ng pag-asa. Parang siya ang instrumento na pinadala ni Lord para maging maayos ang pakiramdam ko at maging masaya kahit papaano.

"Natatakot ako sa mga susunod pang araw na darating," sabi nito at pagod na ngumiti.

"B-bakit naman?" tanong ko at iniwas na muli ang tingin sa'kanya dahil na-realize kong mali ang ginawa.

"Baka kapag nakaalala ka na, iwanan mo ulit ako," pabulong niyang sabi ngunit nagmistulang sigaw ito para marinig ko. "Baka umalis ka na naman sa t-tabi k-ko. "

Tumikhim siya nang mapagtantong nababasag na ang kanyang boses.

"N-natatakot ako para bukas at baka kapag naka-alala ka na, sadyain mong kalimutan ulit ako."

Mabilis kong hinawakan ang braso niya para muli siyang humarap sa akin.

"Huwag mong isipin yan, Jayzer!" sabi ko. "Hinding-hindi na kita iiwan. Hindi na ako aalis sa tabi mo kahit anong mangyari, pangako." Tumulo ang luha ko sa mga sinabi. Bakas sa tono ng boses ko kung gaano ko ka-nais iparamdam sa'kanya na sasamahan ko na siya sa lahat.

"H-hindi na ako lalayo, Jayzer. Sabay nating aabutin lahat ng mga pangarap natin katulad ng dati," nakangiti habang lumuluha kong sabi. "Sisikapin kong maging bituin din para maging katulad kita. Para hindi tayo maging magkalayo. Para hindi lang kita makita sa malayo!"

Tumulo ang luha niya pero nagawa niyang pindutin ang ilong ko.

"Hindi mo naman kailangan gawin yan Ellie," nakangiti niyang sabi.

"Pero tinitingala ka na ng lahat, Jayzer. Samantalang ako wala pa rin. Mahirap ka ng abutin dahil isa ka ng bituin." Nalungkot ako sa sariling sinabi, "parang nasa kalawakan ka na pero ako nasa earth pa rin. Sobrang layo natin."

Inabot niya ang ulo ko para ilagay 'yun sa kanyang balikat.

"Hindi mo kailangan maging bituin din para lang makasama ako. Dahil handa akong maging bulalakaw para lang makapasok sa mundo kung nasaan ka."

Tumulo na naman ang luha ko hindi dahil nasasaktan kundi sobrang sarap ng mga salitang 'yon sa puso.

Isang sikat at kilalang Jayzer Raph Calisto ay sinasabi ang mga bagay na ito.

"Sana hindi na mag-bukas," bulong nito. "Pero ayaw kong maging makasarili dahil karapatan mo rin maalala ang lahat."

Payapa na ang gabi at tanging nagkikislapang mga ilaw na lamang mula sa lungsod at bituin ang aming nakikita.

"Huwag mong alalahanin ang bukas, Jayzer. Kahit pa makaalala ako o hindi, pangako kong hindi na ako aalis sa tabi mo." Sinabi ko 'yun ng buong puso kahit pa hindi ko talaga alam kung ano kami sa nakaraan. Basta 'yan lang ang nais sabihin ng puso ko sa'kanya ngayon.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon