Kabanata 22

73 13 0
                                    


Mabilis akong bumangon nang marinig kong bumukas ang pintuan ng unit ni Serenity. Agad akong pumasok sa CR na nasa loob ng kwarto niya para maghilamos.

Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad ang kaibigan ni Ellie na masyado nang abala sa paghahanda ng pagkain.

"Good morning. Ang aga mo naman nagising," bungad nito sa akin.

"Good morning. Si Ellie?" tanong ko.

"Tulog pa, Jayzer. Hindi ko muna ginising. You have work?"

Tumango ako.

"Yeah. Rehearsal for the upcoming open gig."

Napangiti siya. "Yeah. Oo nga pala I forgot." Huminga ito nang malalim.

"Kailangan ko na maligo. May pasok ba si Ellie ngayon?"

"I think, meron." Tapos tumingin siya sa orasan. "8:00 am siguro."

Nakita kong alas kwatro na nang madaling araw.

"Maliligo na ako. Ihahatid ko na lang siya sa kanila para hindi na siya bumiyahe."

Mahinang tumawa si Serenity at maigi akong tinitigan.

"You still love her?"

Tss.Parang nasagot ko naman na 'yan kagabi.

"Why do you ask?" kunot noo kong tanong.

"Yeah! You still do." She smirked.
"Your face says Yes!" At tumawa ito.

"Nothing change," bulong ko. " No matter how many years would come, my heart is always on her." Napailing na lang ako. "No'ng nakita ko kung gaano siya natatakot kagabi, I felt hurt and guilty. There's inside me na dapat kasama niya ako... na I'm responsible to take care of her," seryoso kong sagot.

Napangiti si Serenity bago magsalita.

"You're such a sweet man!" At tumawa ito kaya natatawa rin akong umiling. "You should come to your unit para makapag-ayos at maihatid si Ellie. I'm sure miss mo na gawin 'yun!" At humalakhak ito bago ako itulak palabas ng unit niya.

Mabilis akong nakarating sa unit ko.Tahimik ang paligid nang makapasok ako, simbolo na mahimbing pang natutulog si Ellie.

Napangiti na lang ako nang masulyapan siya sa na nakahiga sa kama ko. I wonder what it feels when I already laying besides her in the future.

Napailing ako sa sariling naisip. Pero wala namang masamang mangarap.

Kumuha ako ng damit para dumiretso na sa pagbihis sa loob ng CR. Pagkatapos ay mabilis akong nag-umpisa sa sa aking kailangan gawin.

Alasingko ng umaga nang matapos ako sa pagligo. Pagkalabas ko ng Cr ay mabilis kong tinitigan ang kama kung saan natutulog si Ellie. Pero laking gulat ko na lang nang wala na ito roon.

Nagmamadali akong lumabas para mahabol siya kung sakali mang umalis na siya pero mas nagulat ako nang makitang nagluluto na siya sa kusina.

Mabilisan akong lumapit sa kanya at nang maramdaman niya ang presensiya ko ay bahagya siyang napahinto sa paghahalo ng fried rice sa kawali.

"Ah-good morning. Pasensiya na kung nangealam ako rito ha?" nakayuko nitong sabi. "G-gusto ko lang alisin sa isip 'yung mga nangyari kagabi."

Kitang-kita ko kung gaano pa ka-fresh at kahirap tanggapin sa kanya na nagawa sa kanya 'yun ni Deither.

"Ayos lang. Naiintindihan ko," sabi ko.
"Tulungan na kita," suggest ko kaya tumango na lang ito at binigay sa akin ang spatula na hawak para ako na maghalo ng fried rice.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon