Kabanata 3

96 22 3
                                    

Puno ng kapayapaan ang puso ko nang pumasok ako sa aming bahay. Alam ko sa sarili kong masaya ako ngayong gabi na minsan ko lang maramdaman simula nang mamatay si Mama.

Nakahinga ako nang maluwag nang madatnan ko ang living room na walang tao. Kaya naman aakyat na sana ako para makapagpahinga sa kwarto ko nang may humablot sa buhok ko.

Mabilis akong hinila ni Tita Flora pabalik sa living room. Hindi pa man nagtatagal ang pagsabunot niya sa akin, nararamdaman ko na ang pananakit ng anit ko.

"T-tita masakit po," angal ko at pinipilit tanggalin ang kamay niya sa buhok kong nagugulo na.

"Saan ka na naman galing babae ka ha? Akala mo hindi ko alam na madaling araw ka na nakauwi kanina?" Nangigigil siya sa akin kaya hindi na kataka-takang mabilis niya akong binitawan para masubsob ako sa sahig.

Umupo siya para mahablot muli ang buhok ko. Inangat niya ako sa pamamagitan ng pagsabunot.

" Tandaan mo at isuksok mo sa kokote mo na wala kang karapatan sa lahat ng bagay! Isa pa 'wag kang spoiled sa Daddy mo, Ellie!" sigaw niya sa akin. "Isa ka lang basura!"

Mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata. Agad na naglaho ang kapayapaan at kasiyahan sa puso ko at napalitan ito ng takot, sakit at pangungulila.

"T-tita wala po akong ginagawang masama," pagmamakaawa ko.

"Akala mo hindi ko alam huh? Binilhan ka ng Daddy mo ng kotse! Alam kong mahal ang halaga no'n kaya huwag na huwag mong susubukang gamitin 'yun!"

Mas lalo akong nasaktan dahil mas hinila niya pa ang buhok ko. Pakiramdam ko sobrang dumi na ng uniporme ko at para na akong naging basahan sa mga oras na 'to.

"T-tita tama na po," pagmamakaawa ko habang umiiyak. "Nasasaktan po ak-."

"Dapat lang!" sigaw niya sa akin. "Deserve mong masaktan! Hindi mo deserve maging masaya! Gusto kong nasasaktan ka! Gusto kong nahihirapan ka! " madiin at galit na galit niyang sabi sa akin bago ako bitawan at iwanan.

Mabilis akong bumangon at inayos ang sarili. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang paghihirap na 'to.

Parang wala ng finish line, wala ng katapusan at wala na akong takas sa mapaglarong istorya ng buhay na 'to.

Umakyat ako sa taas para magkulong sa kwarto. Kinuha ko ang litrato ni Mama na naka-display sa study table ko.

Nakakainis isipin na sa araw-araw na pag-iyak ko, hindi nagsasawa ang luhang umagos. Hindi siya nauubos at lalong hindi natatapos.

"M-mama ko," bulong ko. "P-pahingi po ng yakap," napapaos kong sabi. "Napapagod na ako rito, Mama ko!" hikbi ko.

Hinaplos ko ang larawan niya at marahan itong hinalikan.

"S-sana nandito ka sa tabi ko para hindi ako nahihirapan."

Dalawang taon na rin simula nang mawala siya. Kitang-kita ko kung paano siya nawalan ng hininga sa hospital. No'ng gabing 'yun, naramdaman ko 'yung sobrang sakit at hindi na ako makahanap ng paraan para makabangon. Nang bitawan niya ang kamay ko, parang binitawan ko na rin ang buhay ko.

Si Mama ang buhay ko. Siya lang ang kailangan ko sa mundong palagi akong pinaglalaruan.

Hindi ko alam kung paano ako lalaban, kung paano ako magsisimula.

Dalawang taon na pero gabi-gabi ko pa rin iniiyak. Sino ba namang hindi mangungulila sa kalinga ng isang ina kung ang bahay na tinutuluyan ko ay puro pang-aapi lang ang nararamdaman ko. Palaging wala si Daddy dahil sobrang busy niyang tao kaya kapag kami ni Tita Flora ang natitira rito, wala na akong kawala sa sakit lalo na sa mga sinasabi niya.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon