Kabanata 8

75 22 5
                                    

"Beks? Pinapatawag ka ni Ma'am Guzman sa office niya."

Mabilis kong inayos ang sarili. Napailing ako dahil wala ako sa mood ngayong araw. Parang wala akong gana pumasok pero pinilit ko lang dahil kapag nasa bahay ako siguradong aawayin na naman ako ni Tita.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Hindi ko alam pero importante yata, beks."

Tumango ako at walang ganang tumayo para makapunta na sa office ni Ma'am Guzman. Pakiramdam ko masakit ang katawan ko sa mga oras na 'to. Wala naman akong ginawa kahapon pero totally drain and empty ang pakiramdam ko.  Gayunpaman, pinilit kong umaktong normal hanggang sa makarating sa dapat puntahan.

"Ma'am?" tawag ko habang kumakatok.

"Come in," utos ni Ma'am Guzman.

Pumasok ako at tipid na ngumiti sa medyo matanda ng professor ko.

"Ms. Elliezabeth?" Huminga nang malalim ang professor matapos banggitin ang pangalan ko. "How are you?"

Nagtataka kong tinitigan nang maigi si Ma'am Guzman na kasalukuyang kinukumusta ako.

"I-I'm fine po Ma'am, bakit po?" kinakabahan kong tugon.

Nakita kong may hinalungkat si Ma'am sa mga papers na nasa table niya bago niya ibigay sa'kin ang ibang papel na nadampot.

"You failed the three quizzes that we took for the past few weeks," malungkot nitong sabi.

Mabilis kong tinitigan ang mga scores ko sa nag-daang mga quizzes namin sa Human Histology.

Mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata no'ng makita ko ang mabababang scores ko.

"P-paano po nangyari 'to?" tanong ko at pinunasan ang luhang umagos sa mukha.

Takot at lungkot ang naramdaman ko sa mga oras na 'to.

"N-nagreview po ako Ma'am," dagdag ko pa.

Naramdaman ko ang paghawak ng professor ko sa aking kamay na nakapatong sa lamesa.

"May problema ba Ms. Elliezabeth?" maamong tanong nito sa'kin. "Madalas ko rin mapansin kapag nag-iisa kang naglalakad sa buong campus na parang wala ka sa sarili at malalim ang iniisip mo," dagdag pa nito.

"Okay lang naman po ako Ma'am," sagot ko. "Ang totoo naging maayos-ayos nga po ako ngayon eh."

"Ngayon ka nga naging maayos paano naman 'yung mga nagdaang Linggo? Nakikita kong wala rin ang focus mo sa tinuturo ko tuwing nagka-klase tayo."

Mabilis kong hinawakan ang ulo dahil nakaka-stress ito. Mahirap bawiin ang tatlong quizzes na 'to lalo pa at nilapagan kami ng napakaraming activities sa ibang subject.

"Elliezabeth, anak?" malambing na tawag sa'kin ng aking professor.

Inangat ko ang tingin sa'kanya at hindi inalis ang problemadong mukha.

"Okay lang na aminin mong hindi ka okay," sabi nito. "Mahirap gumaling at maka-recover kapag hindi umamin." Ngumiti ito ng tipid, "para maging maayos ang lagay mo, kailangan mo munang aminin sa sarili mo na hindi ka maayos."

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Ang tanging laman lang ng utak ko ay ang pagbagsak ko sa tatlong quizzes ko this past few weeks.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Okay naman ako ah? Wala naman akong nararamdamang iba bukod sa parang empty at drain ako madalas kapag nag-iisa. Ewan naguguluhan na rin ako.

"Beks? Ano sabi ni Ma'am?" Muntik na ako mapatalon sa biglaang pagsulpot ni Serenity sa harapan ko. "May problema ba?" nag-aalala niyang dagdag.

Tiningnan ko ang kaibigan at ang itsura niya ay labis na nagtataka at kinakabahan. Ngumiti ako para magkunwari sa totoong nararamdaman.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon