Kabanata 26

38 6 4
                                    


"Papasok na ako Jayzer," malamig na sabi ni Ellie sa akin nang tawagan ko siya isang umaga.

Papunta na rin ako sa studio pero nakasanayan ko nang tawagan siya every morning at bago matulog para kumustahin siya.

"Are you sure you can work?" tanong ko.

"I'm not sick." Alam kong blangko ang ekspresyon niya nang tugunin niya ako.

Huminga ako nang malalim at pilit ngumiti kahit pa alam ko namang 'di niya 'yun makikita. "Alright. Please take care. You should eat your lunch ha? I love-"

*toooooooooooooot

Napanguso ako at nagbuga ng hangin mula sa bibig bago naiiling na pumasok sa aking sasakyan.

Tahimik akong nagmaneho hanggang sa makarating sa studio. Naabutan ko silang nagtatawanan habang nagse-set up ng mga kagamitan. Ngumiti ako at isa-isa silang inakbayan bago ilapag ang dalang gamit.

Naramdaman ko ang pagsunod ni Kuya Cris sa akin pero hindi na ako nag-abalang lingunin siya.

"Kumusta?" tanong nito. "How's Ellie?" Hawak niya ang balikat ko kaya sigurado akong wala na akong kawala.

"Same as yesterday," sagot ko. "I know she's not totally fine. Lumalala ang kalagayan ni Tita Flora habang tumatagal siya sa hospital," explain ko. "And I know hindi okay kay Ellie 'yon. Kahit hindi maganda ang naging samahan nila sa iisang bahay, ramdam kong mahal na mahal niya ang step-mother niya."

Tumango si Kuya Cris para iparamdam na naiintindihan niya ang sinasabi ko.

"Yeah. I know she has a genuine and soft heart." Tinap niya ang balikat ko. "Let's just pray na maging okay na ang lahat. We can't do something but to stay beside her during her hard times."

"I will always stay to her, Kuya."

"That's great, real man!" ganado niyang sabi kaya ngumiti ako.

"Thanks, Kuya Cris."

"Ops wala akong ginawa." Kumindat lang siya at iniwan na ako.

Buong puso pa rin akong nag-rehearsal kahit iniisip ko ang kalagayan nila Ellie ngayon. Nang mag-break time ay dali-dali kong minessage si Ellie para ipaalala na kumain siya.

Jayzer: Love, lunch time na. You should eat ha? I love yop.

Mabilis kong sinend ang message at nagmamadaling sumubo ng pagkain dahil ilang minuto lang ay magsisimula na ulit kaming mag-rehearse. Pero nang tumunog ang cellphone ko ay agad-agad ko rin itong tiningnan. For the past one week, madalang na lang kasing mag-reply si Ellie dahil marami nga siyang inaasikaso, pero naiintindihan ko 'yun.

Napangiti ako nang si Ellie nga ang nag-text.

Love: Sino si yop?

Muntik ko nang mabuga ang pagkain sa bibig dahil gusto kong matawa sa tanong niya. Badtrip na typo 'yan hahahaha.

"Ayan, typo ka kasi palagi hahahaha." Tumawa nang malakas si Josiah kaya napailing ako habang natatawa.

"Gawain na niya madalas ang mag-typo hahahah." Nilingon ko si Calvin maging si Josiah na nakikibasa sa message namin.

"Awts puro green 'yung convo. 'Di ka nirereplyan?" pang-aasar ni Josiah kaya inirapan ko sila at mabilis na tumayo para ma-replyan na si Ellie nang walang nakakakita sa sasabihin ko.

Jayzer: You kasi 'yun, love. I love you sabi ko.

Napangiti ako nang i-send ko ang message. Bakit sa simpleng reply niya, gumagaan na ang loob ko? Hays.

MELANCHOLY OLD SONG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon